Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Sobrang lamig ng tubig sa aking paliguan ngayon at habang palubog ako ng palubog ay unti unti akong nilalamig ng bongga pero kailangan kong gawin ito para maisakatuparan ko ang aking plano.
Nang mailublob kona ang aking katawan sa paliguan ay nagsimula na sila Rin at Rai na lagyan ng mga rosas ang tubig habang si Luyun naman ay dahan-dahang ibinubuhos ang gatas.
"Niangniang, kailangan mo ba talagang gawin ito?"tanong ni Rai.
"Kung ayaw ko pang mabuko ang aking lihim ay kailangan kong gumawa ng paraan upang manatili itong isang lihim sa lahat maging sa Kamahalan"sagot ko at pumikit nalang ako.
Tuloy lang sila sa paglalagay ng mga bulaklak at gatas sa aking paliguan kaya naman pumikit muna ako upang marelax ako kahit na ramdam kona ang panginginig ko dahil sa sobrang lamig na tubig.
Makalipas ang ilan pang mga minuto ay umahon nako dahil hindi kona talaga kaya ang lamig. Agad akong nagbalot ng tuwalya at saka ako nangatog dahil sa labis na lamig na aking nadarama ngayon.
Inalalayan ako ng tatlo papunta sa aking silid upang mag-ayos na dahil gabi na din at ako ay matutulog na.
Agad akong humiga matapos kong masuklayan at maayusan ng damit. Nagbalot ako ng kumot at inutusan ko sila na magsindi ng uling upang hindi ako lamigin ng sobra dahil kahit layon kong magkasakit ay ayoko naman na maging cause of death ko yun no!
Agad na akong pumikit at hinayaan ang sarili na magpatangay sa antok na aking nadarama.
K I N A B U K A S A N
Nagising ako na nilalamig padin kahit na mayroong nakasinding uling sa tabi ng aking kama at kahit nakatalukbong ako kaya naman napagtanto ko na naging tagumpay ang ginawa ko kagabi.
Agad kong tinawag si Luyun upang magpatawag ng isang Taiyi or Doktor dito sa palasyo dahil kailangan kong makumpirma ang aking kalagayan ngayon.
"Luyun, magpunta ka sa Kagawaran ng Medisina at ipagbigay alam mo sa kanila na kailangan ko ng isang Taiyi ngayon dahil sobrang nilalamig ako at nanginginig."wika ko kay Luyun.
"Masusunod, niangniang"wika niya sabay bow at alis na.
Nang makaalis si Luyun ay sunod kong tinawag si Rin upang ipagbigay alam sa Huangho na ako ay may karamdaman ngayon habang si Rai naman ay inutusan kong pumunta kay Jang Fei upang ipagbigay alam din sa kanya ang aking lagay at upang ako ay bisitahin niya din.
Agad na tumalima ang dalawa kaya naman naiwan na lamang ako dito sa aking silid at habang naghihintay ay inutusan ko ang isang tagapagsilbi na ikuha muna ako ng makakain ko lalo pa't agahan sana ngayon pero dahil hindi ako makatayo at makagalaw masyado ay ipinakuha ko na lamang ito.
Habang kumakain ako ay dumating na si Luyun kasama ang isang Taiyi kaya naman ipinaligpit kona ang mga pagkain upang ako ay masuri na ng Taiyi.
"Pagbati, Yi Pin niangniang"wika ng Taiyi at nang matitigan ko ang kanyang mukha ay bigla yatang nag-init ang aking mukha.