1 | Si Jasper

1.6K 66 2
                                    

•Jasper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Jasper

"Ang mga Asawa ng Hari at Emperor noon ay tinatawag na Imperial Harem. Ang Qianlong Emperor ng China ang siyang may pinakamaayos na sistema sapagkat nagkaroon ng mga antas ang bawat babae ayon sa kanilang yaman, pag-uugali, at kagandahan"mataman na paliwanag ng aming guro sa History.

"E mam bakit naman po may antas pa e pare-pareho lang naman sila na asawa ng hari?"tanong ng isang kaklase ko.

"Dahil kung wala ang kanilang mga antas ay magugulo ang sistema dahil dapat ay meron ding namumuno sa kanila at iyon ay yung Reyna o Empress na siyang pangunahing asawa ng Hari o Emperor"sagot ni mam.

"Kung wala nang magtatanong ay ipapagpatuloy kona ang diskusyon"

"Gaya nga ng aking nabanggit na ang Empress o Reyna ang may hawak sa pinakamataas na posisyon sa Imperial Harem. Susundan ng Imperial.........."

At tuluyan kona siyang hindi naintindihan dahil napatulala na lamang ako sa bintana dala ng aking antok.

Pinagmamasdan ko ang puno sa tapat ng aming silid na mayroon na lamang kakaunting dahon na malapit nading mahulog mula sa sanga.

Tanaw ko din ang mga ibon na nakapatong sa kabi-kabilang sanga ng puno nang biglang...

"Mr.Jasper Rivera, kung hindi kana interisado sa leksyon ngayon ay maari kanang lumabas sa klaseng ito!"biglang malakas na sabi ng aming guro na nagpabalik sakin sa tamang pag iisip.

"Pasensya na po mam hindi na po mauulit"agad akong humingi ng paumanhin sa kanya.

"Para bigyan pa din kita ng quiz ay ulitin mo ang lahat ng aking sinabi mula sa posisyon ng empress hanggang sa pinakamababang posisyon sa Imperial Harem."wika nito.

Nako naman baka magkamali pako neto grrrr

Alam kong nabasa ko naman na ito 2 days ago dahil mahilig akong mag-advance reading kapag wala akong ginagawa.

"Ang Empress po ang may hawak ng pinakamataas na posisyon sa harem at isang tao lamang ang dapat na maging empress. Susundan naman sya ng Imperial Noble Consort na pangalawa sa pinakamataas na posisyon sa Harem at ginagawad lamang kung walang empress ang kaharian at ayaw ng emperor na maghirang ng panibagong empress."

"Sunod sa Imperial Noble Consort ay ang Noble Consort o ang pangatlo sa mataas na pwesto ng harem at maaring magkaroon ng dalawang Noble Consort sa kaharian. Imperial Consort naman ang pang-apat sa mga pwesto ng harem at apat lamang ang maaring maging Imperial Consort. Imperial Concubine naman ang ikalima sa mga pwesto sa harem at anim lamang ang maaring maging Imperial Concubine. Sumunod ang mga Noble Lady na nasa ika-anim na pwesto at kahit ilan ang kanilang bilang."

"Ang mga Changzai naman at Daying ay ang mga pinakamababang pwesto na pwedeng igawad sa isang babae na papasok sa harem".

Mahabang paliwanag ko at sana naman ay nakuntento na ang aming guro sa paliwanag na iyon.

"Magaling! Bilib talaga ako sa iyo pero sana ay huwag nang tutulala sa susunod Jasper ha!" Tumango na lamang ako at umupo.

Matapos iyon ay nag-quiz nga kami at napagod ang utak ko dahil walang pasabi ang aming guro na 100 items pala ang balak niya.

Natapos na ang aming huling klase sa araw na ito ay ngayon ako ay pauwi na sa aming bahay.

Ako si Jasper Rivera, 17 yrs.old at isang Gr.12 HUMSS student na mahilig magbasa gaya ng aking nabanggit kanina. 5'4 ang height ko kung kaya't ang liit ko kumpara sa ibang mga kaedaran kong lalaki, marami din ang nagkakagusto sa akin hindi sa pagmamayabang dahil sa aking maputing balat at dark brown na buhok na namana ko sa aking ina samantalang ang aking mga mapupulang labi ay sa aking ama ko daw nakuha ayon kay mama. Lumaki ako na ang Mama ko lang ang aking kasama dahil hindi naman ako kilala ng aking ama dahil hindi sila legal na mag-asawa ni Mama.

Patuloy akong naglalakad at nagpasalamat ako dahil tatlong kanto na lang at makakauwi nako sa amin.

Nang marating ko ang aming tahanan ay nakita ko si mama na naghahanda na ng hapunan dahil hindi ko namalayan na 7:45 na pala ako nakauwi.

"Oh anak, naglakad ka nanaman ano?"tanong ni mama.

"Opo, Ma sayang po ang pamasahe sa trucycle e malapit lang naman po ang bahay sa school."

"Nako! Ikaw talagang bata ka pagod kana nga galing sa school mo ay naglakad kapa. Sana ay namasahe ka nalang may pera ka naman diba?"

"Opo, Ma e pwede ko namang lakarin para may dagdag ako sa pera ko bukas hahahaha"

"O sige at bahala ka, umakyat kana at magbihis para makakain na tayo kaloka kang bata ka!"

Natawa ako sa inasal ni Mama dahil pa-bagets padin ang trip nya.

Pag-akyat sa kwarto ay nagpalit na ako ng damit at nagsuot ng oversized shirt at medyo maikling short pantulog dahil dalawa lang naman kami ni Mama dito sa bahay.

"Wow! Dalaga na talaga anak ko hahahaha"

"Ay ewan ko sayo ma, trip mo nanaman ako"

Hindi ko nga pala nabanggit na ako ay hindi straight at ayun nga baliko hahaha at yung mga nagkakagusto sa akin sa school ay hindi lamang mga babae kundi mga kagaya ko din na binabae na walang kaalam-alam na pare-parehas lang kami ng hanap.

Kumain kami ni mama habang nagku-kwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa araw na ito.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si mama na mauuna nang magpahinga (Hindi habang buhay ha) at ako naman ay naghugas na ng pinagkainan namin.

Matapos iyon ay nagpunta muna ako sa sala at nanood saglit para antukin ako.

Oo nga pala hindi kami mayaman ni Mama, masasabi kong nasa gitna lang ang estado namin sa buhay at masaya na kami na makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Swerte lamang si Mama sa trabaho kaya siya nakaipon at nabili na itong bahay na inuupahan namin dati.

Nang ako'y dalawin na ng antok ay inayos kona ang sala at umakyat na sa kwarto ko para mag-ayos at makatulog na ako.

Pumunta muna ako sa cr dahil maghihilamos muna ako at magsskin care muna bago matulog upang maging maganda pa din ang aking mukha.

Matapos iyon ay pabagsak na lamang akong humiga sa kama at inisip ang mga mangyayari kinabukasan hanggang sa kainin ako ng antok.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon