Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Jasper
Naramdaman ko ang katawan ko na tila nakalutang ako sa kung saan at tila ba nasa bisig ako ng kung sino.
Pinipilit kong huminga pero may nakabara sa aking ilong at ako'y hindi makahinga. Pinipilit ko din na magsalita pero walang boses na lumalabas mula sa akin.
Hanggang sa naramdamang kong inilapag ako sa isang malamig na bagay at mayroong pwersa sa dibdib ko at bigla na lamang akong napabuga ng tubig at narinig ko ang isang tinig.
"Buhay ang Ginoo!"
Matapos kong magbuga ng tubig ay naramdaman ko na binuhat ako ng kung sino mang tao na ito kaya nagpadala na lamang ako sa antok at pagod na damang-dama ko padin.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang kwarto ako na ngayon ko lamang nakita.
Agad na nagsisigaw ang isang babae sa aking tabi.
"Amo! Amo! Gising na si Ginoong Yiren!" Malakas na sigaw nya.
Dinig na dinig ko pa ang malalakas na yabag ng mga tao na paakyat patungo dito sa kwarto.
"Yiren! Kapatid ko sa wakas ay nagkamalay ka din!" Tuwang-tuwa na sabi ng isang hindi pamilyar na babae.
Tinitigan ko lamang sya.
Sino ba ang mga ito?
Bakit Yiren ang tinatawag nila sa akin?
Eh Jasper ang pangalan ko?
"Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin Yiren?"takang tanong nya.
Sino ba kasi si Yiren at bakit iyon ang tinatawag nila sa akin.
Hindi kona napigilan ang aking sarili na magsalita.
"Sino kaba? At bakit Yiren ang tawag niyo sa akin?"nagtatakang tanong ko.
Nakita kong nagulat siya sa aking sinabi pero nalilito talaga ako sa mga nangyayari e.
"Nako! Mukhang nawalan ng ala-ala ang Ginoo dahil sa kanyang pagkakabagok sa lawa" wika ng babaeng sumisigaw kanina.
"Totoo nga ang sinabi ng mga doktor na mawawala ang iyong mga alaala"
"Ngunit panandalian lamang daw yan at babalik din ang iyong mga alaala kapatid"wika ng babae sa aking tabi.
Ako? Nabagok sa lawa?
E ang huli kong natatandaan ay pauwi nako sa bahay kasi pinagcommunity service kami at pagod na pagod ako na naglalakad at narinig ko yung boses na naghihingi ng tulong.
Pinuntahan ko yung balon na pinanggagalingan ng boses at may tumulak sa akin doon. Paano ako nabagok sa lawa na sinasabi nila?
"Teka nga, anong nabagok ako sa lawa? Eh ang huling natatandaan ko ay nahulog ako sa isang balon"wika ko na siyang naging dahilan ng pagtawa ng dalawang babae na ito.
"Nako mukhang wala ka nga sa matinong pag-iisip at marahil ay naalog ang iyong utak dahil sa pagkakabagok mo"natatawang ani ng babae na hindi ko pa din nakikilala.
"Teka nga, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko"wika ko.
"Ano ka ba? Ako si Yuri, kakambal mo! Nakakatampo ka na ha pati talaga pangalan ko kinalimutan mona"wika nito.
"Eh ikaw sino ka naman? Kapatid ka din ba namin?"tanong ko sa isa pang babae.
"Ako ang inyong tagapaglingkod na si Rin"sagot niya sa akin at doon ay natauhan ako na wala ako sa bahay namin dahil hindi ko talaga sila kilala at lalong wala akong tagapaglingkod no!
Agad akong bumangon at nagmamadaling lumabas sa kwarto na tinutuluyan ko.
Nakakita ako ng hagdanan at ako ay agad na bumaba at nang makita ko ang pintuan ay nanibago talaga ako dahil wala naman ako sa bahay namin o sa hospital manlang.
Pagkalabas ko ng pintuan ay nakita ko ang gate ng bahay na ito at sa labas noon ay naririnig ko ang iba't-ibang boses ng mga tao sa labas.
Mayroong nagbebenta, nag-aalok ng matutuluyan atbp.
Nalililito na talaga ako sa mga nangyayari kaya napabalik na lang ako sa loob kung saan sinalubong ako ni Yuri at Rin.
"Oh bakit ka biglang tumakbo palabas?"tanong ni Yuri.
"Nasaan ba ako? Kasi sigurado ako na hindi ako dito nakatira"tanong ko sakanya.
"Ginoo, nandito kayo sa inyong tahanan sa Kapitolyo"sagot ni Rin.
"Kapitolyo? Saan ba talaga ang lugar na ito, nasa Manila paba ako?"muli kong tanong.
"Hindi ko maintindihan Ginoo pero nandito tayo ngayon sa Kapitolyo ng Kaharian ng ating Emperor."
Emperor? Emperor!!!
"Sinong Emperor ang tinutukoy mo?"
"Ang Emperor na kakaupo lamang sa trono, Ang Qianlong Emperor po Ginoo"sagot niya na nagpagulantang sa akin.
"Ano ba nangyayari sa iyo Yiren ha? Ikaw ay isa sa mga pinakamatalinong binata dito sa Kapitolyo. Imposibleng makalimutan mo ang mga iyan dahil paborito mo ang pag-aaral hindi ba?"nalilitong turan ni Yuri sa akin.
"Pumasok na nga tayo sa loob para makakain kana din at alam kong nagugutom kana"wika niyang muli sabay hatak sa akin papasok ng tahanan "namin".
Nagpahatak na lamang ako sakanya habang nag-iisip.
Nasa Kapitolyo daw kami ng kaharian ng Qianlong Emperor kung ganoon ay nasa ibang panahon ba ako?
Jusko naman oh!
Kasalanan ng balon na iyon ang lahat ng ito e! Dapat talaga di kona pinansin iyon edi sana wala ako dito ngayon!
Nakakainis talaga!
Kailangan kong makabalik sa panahon ko dahil hindi ako nabibilang dito.
Nakakaloka naman kasi e! Kakaaral lang namin tungkol sa Qianlong Emperor na iyan tapos ngayon ay nandito ako sa panahon kung saan siya namuno.
Masisiraan yata ako ng bait dito.
Natapos lamang ako sa pag-iisip ng pinaupo na nila ako at hinainan ng pagkain at dahil nga nagugutom na din ako ay inalis ko muna sa utak ko ang mga iniisip ko at kumain na.