Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Nakatulugan kona ang pagbabasa kaya naman dahan dahan akong ginising ni Luyun upang magbabad na ng aking kamay at paasa sa gatas na may mga rosas upang mapanatili ang kalambutan ng aking kamay.
Matapos iyon ay tinulungan na niya akong mag-ayos para ako ay makapagpahinga na lalo pa't andaming nangyari sa araw na ito.
Iniayos kona ang aking sarili at tumagilid na sa paghiga dahil hindi ako sanay na nakatihaya habang natutulog. Ipinikit kona ang mga mata ko at ako ay nagpatangay na sa aking antok.
K I N A B U K A S A N
Maaga akong nagising dahil maaga naman akong nakatulog kagabi at dahil na din kailangan kong gumayak ng maaga para sa aming araw-araw na pagbati sa Huangho.
Agad akong tumayo sa aking kama at agad naman akong tinulungan nina Rin at Rai nakararating lamamg at dala dala ang aking kasuotan para sa araw na ito na galing sa mga manghahabi ng palasyo na siyang gumagawa ng mga kasuotan ng iba pang mga kasapi ng harem.
Umupo na ako sa lamesa kaharap ang salamin habang ang dalawa ay inaayos na ang aking buhok at nilalagyan ng mga palamuti na siyang tugma sa aking kasuotan ngayon.
Matapos iyon ay tinulungan nila akong isuot ang aking kasuotan at ang panghuli ay nilagay ko na ang mga pananggalang ko sa aking kuko.
Matapos kong maghanda ay niyaya ko na sila na umalis na upang hindi ako mahuli sa aming pagbati sa Huangho.
Nakalabas na kami sa aking palasyo ng makasalubong ko si Jang Fei.
"Pagbati, Jang Fei Niangniang"wika ko sabay taas ng aking kamay at luhod ng bahagya bilang tanda ng paggalang.
"Mianli"wika niya at nagpatuloy na sa paglalakad kaya naman sinabayan kona siya sa paglalakad.
"Niangniang, ikaw ba ay matagal ng kasapi ng harem?"tanong ko.
"Pitong taon na ang nakalilipas mula noong una akong pumasok sa Manor ng Dating Ikaapat na Prinsipe na siyang Emperor na ngayon. Isa ako sa mga orihinal na miyembro ng kanyang harem na nagmula pa sa kanyang manor"sagot niya. "Kung ganon ay sino ang mga orihinal na miyembro ng harem niangniang?"tanong ko ulit.
"Ang Huangho ang Fujin o ang orihinal na asawa kaya naman siya ang itinalagang Huangho nang mailuklok sa trono ang Kamahalan. Samantalang si Mei Guifei ang Cefujin o pangalawang asawa kung kaya't mataas din ang kanyang posisyon ngayon. Kaming Apat na mga Fei ay mga Gege na siyang sumunod sa Cefujin kaya kami nadin ang mga itinalagang mga Fei."wika niya.
"Kung gayon ang lahat ng mga Pin at Guiren pati nadin si Han ay mga bago lamanh sa harem"napagtanto ko.
"Tama ka riyan Yiren"wika niya at hindi ko namalayan na narating na namin ang Yikungong kung saan nasa labas din ang ibang mga miyembro ng Harem.
"Pagbati, Qi Fei, Ri Fei, Shu Fei, Mei Guifei niangniang"wika ko at bigay galang.
"Mianli"wika ni Mei Guifei kaya naman umayos na ako.