Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Mabilis na lumipas ang panahon at ngayon kung tama ang aking pagkakaalala ay tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang i-anunsyo ni Chun Fei ang kaniyang pagdadalang-tao.
Sabi sa mga chika all around the kingdom na ang unang tatlong buwan daw ang need na malagpasan ng isang nagbubuntis para maging fully stable yung dinadala niya.
Pagbati kay Chun Fei sapagkat nalagpasan niya ito. Wala naman akong hard feelings kay Chun Fei sapagkat isa naman siyang matinong tao. Ang ibig kong sabihin ay alam niya ang kaniyang lugar at hindi siya hadlang sa akin kaya naman pinapakitunguhan ko siya ng maayos.
Ngayon ay wala naman akong masyadong pinagkakakaabalahan maliban sa pagbabasa ng mga libro para sa pag-aasikaso ng mga nagaganap sa kaharian.
Ako na kasi ang tumutulong sa Huangho sa pagmamanage ng mga Harem Matters.
Sa nakalipas na tatlong buwan ay wala naman masyadong nagbago rito sa kaharian dahil ganoon pa rin naman ang buhay namin. Boring.
Ngayon ay narito ako sa aking silid at kasalukuyang nag-aayos ng aking sarili sapagkat babati kami sa Huangho. Alam niyo naman na araw-araw namin itong gawain.
Ilang minuto rin akong nag-ayos ng sarili at nang mailagay ko na ang aking mga palamuti sa buhok at katawan ay tumayo na ako at nagwisik ng pabango na regalo sa akin ni Seiya.
Matapos iyon ay lumabas na rin ako mula sa aking silid at nagbilin muna kay Luyun na ihatid si Yonghuang sa paaralan dahil si Rin at Rai ang isasama ko ngayon sa Yikungong.
Matapos kong magbilin ay tuluyan nakong naglakad palabas ng aking palasyo kasabay si Han na ngayon ay nag-aayos na rin ng kaniyang sarili.
Pinagsabihan ko kasi siya na kung hindi siya mag-aayos ng kanyang sarili ay habang buhay na siyang magiging wala sa pabor ng Kamahalan. Mabuti nalang at nakinig siya sa akin at ngayon ay lumalabas na ang kaniyang ganda.
Maglalakad lamang kami patungo sa Yikungong sapagkat maganda ang sikat ng araw at magandang maglakad ngayon for the Vitamin D. Na binibigay din naman ni Seiya (if you know what I mean HAHAHAHAHAHAHA).
Ilang minutong lakaran ang aming ginawa hanggang sa marating namin ang Yikungong at kaagad na kaming pumasok upang magpatuloy sa aming pagbati at nang sa gayon ay umusad na ang araw namin.
Halos isang oras ang aming itinagal sa loob ng Palasyo ng Huangho kaya naman paglabas ko sa tarangkahan ay nag-unat ako ng katawan sapagkat nakakangalay din ang pag-upo.
Sinabihan ko si Han na magtutungo ako sa Cininggong upang bumati sa Taihou. Isinasama ko siya ngunit sabi niya ay kukuha siya ng mga tela ngayon sa Panahian upang gumawa ng mga bagong kasuotan ni Yonghuang.
Pinayagan ko naman siya at naghiwalay na nga ang aming daan. Naglakad na ako patungo sa Cininggong kasama sina Rin at Rai.
Ilang saglit lamang ang lumipas at ngayon ay malapit na ako sa tarangkahan ng Cininggong. Sa kanang bahagi ako nanggaling kaya naman sa kanang bahagi rin ako naglakad papasok sa tarangkahan.