14 | Ang Pagkakamali

483 24 8
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Yiren

Nasabayan ko naman ang paglalakad ni Zichu na tahimik lang sa kanyang paglalakad.

Maya-maya ay natanaw ko na ang isang gubat. Gubat nanaman!? Kaloka dami yatang gubat dito.

Naglakad si Zichu papasok sa gubat kaya naman wala akong ibang gibawa kundi ang sumunod dahil baka maligaw ang lola niyo kapag nagmaganda ako hahahaha.

Sinundan ko lang siya hanggang sa marating namin ang masukal na bahagi ng gubat at medyo madaming mga puno dito saka mga dahon kaya medyo hirap ako na maglakad ng dire-diretso.

Napansin naman iyon ni Zichu dahil kinuha niya ang kamay ko at inalalayan ako sa paglalakad at shuta kinikilig ako!!!

Hindi ko nalang ipinahalata ang kilig na nadarama ko dahil baka kapag humarot ako ay madisgrasya pako dito.

Kaunting lakad pa ay tumigil na si Zichu at saka ako hinarap suot ang isang ngiti.

"Sigurado akong magugustuhan mo dito Yiren"nakangiti nitong wika sa akin.

Ngumiti din ako sa kanya at tumango bilang pagsang-ayon sa tinuran niya.

Maya-maya ay narating na ata namin ang tuktok nitong bundok na ito at talaga nga namang tama si Zichu na magugustuhan ko nga dito.

Mula dito sa aking pwesto ay tanaw ko ang napakagandang tanawin. Ang paglubog ng araw ba palagi kong gustong pagmasdan kapag nasa aming tahanan lamang ako.

 Ang paglubog ng araw ba palagi kong gustong pagmasdan kapag nasa aming tahanan lamang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CTTO

Pero ngayon ay mas maganda itong pagmasdan lalo na at ito na yata ang pinaka-espesyal na panonood ko sa paglubog ng araw.

Espesyal ito dahil kasama ko ngayon ang tao na nagoaparamdam sa akin na espesyal din ako sa kanya. Kaya naman napakasaya ko ngayon.

Nakangiti kong pinagmamasdan ang tanawin ng paglubog ng araw nang mapalingon ako kay Zichu na nakatingin lang sa akin at nakangiti.

Kagaya nung nagpunta kami sa tore nung nakaraan kung saan hindi niya inintindi ang magandang tanawin ng kaharian.

"Oh bakit ka naman nakatingin sa akin ng ganyan?"tanong ko dito.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon