33 | Isang Gabi sa Hardin

424 30 3
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Sa nagdaang mga araw ay patuloy lamang sa pagbisita sa aking palasyo ang Kamahalan at lagi din na nababaliktad ang aking ngalan kaya naman lagi akong nagsisilbi sa kanya.

Ang mga regalo din sa aking palasyo ay araw-araw na nadadagdagan kaya naman ang mga sobra ay binibigay ko kay Han upang maghati naman kami sa aking mga tinatamasa rito.

Kadalasan ay mga alahas at iba pang mga vase o mga kakaibang gamit na makaluma ang inihahandog sa akin.

Lahat ng ito ay gawa sa mga pinakamaayos at pinamakahal na materyales na inireregalo ng mga nasasakupan ng Kamahalan sa kanya na siya namang ibinibigay niya sa kanyang Harem.

Lahat kami ay nakakatanggap nito ngunit iba pa din talaga kapag ikaw ay nasa pabor dahil ako ang nauunang pumili sa lahat at sa sandaling matapos na akong pumili ay saka lamang ipapamahagi sa iba ang mga natira.

Ngayong araw ay masaya na naman sa aking palasyo dahil kaaalis lamang ng Kamahalan dito dahil dito siya muli nagpahinga kagabi at sa tingin ko ay nasasanay na ako sa mga nangyayari sa akin.

Kasalukuyan akong kumakain ng aking tanghalian kasama si Han dahil niyaya ko siya na sabayan ako dito sa pagkain dahil sobrang daming nakahain araw-araw.

Nagkwentuhan lang kami at napagpasyahan ko na nais kong maglibot muli kesa naman manatili na naman ako dito sa Changchungong.

Kaya naman matapos naming kumain ni Han ay niyaya ko na siya na umalis na upang makatagal naman kami sa paglilibot dito sa palasyo.

Si Luyun lamang ang isinama ko sa akin dahil kailangang may maiwan na namamahala sa Changchungong kaya ipinaiwan ko muna ang dalawa.

Hindi ako sumakay sa aking sedan dahil nais kong maglakad.

Ipinahanda ko lang ang payong na kadalasan nilang ginagamit kapag umuulan lamang kaya nagtaka si Han sa akin dahil iniutos ko na magdala sila ng dalawang payong.

Una kong nais puntahan ay ang ibang mga palasyo dito sa Kaharian kaya naman iminungkahe ni Han na magpunta kami sa Yanxigong o ang palasyo nina Kim at Yang.

Ang kanilang palasyo ang pinakamalayo sa lahat ng mga palasyo ng mga kasapi sa harem kaya ang kanila ang inuna namin dahil nga nasa dulo ito.

Habang naglalakad kami sa gitna ay gumigilid ang mga tagapagsilbi at Eunuch. Bumabati din sila sa amin bilang tanda ng paggalang kaya naman hindi hassle ang paglalakad dahil walang mga nakaharang.

Naglalakad kami nang biglang lumakas ang sinag ng araw kaya ipinabukas kona ang payong at iniangat ito kaya naman natatakpan ako nito at hindi naiinitan.

Hinawakan ito ni Luyun at ginaya siya ng tagapagsilbi ni Han kaya naman alam na siguro niya kung bakit ako nagpadala ng payong.

Mahabang lakaran ang aming ginawa ni Han at sa wakas ay narito na kami sa Yanxigong kung saan may dalawang Eunuch na nagbabantay sa tarangkahan.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon