15 | Katapusan ng Saya

429 25 2
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Yiren

"Oh bakit natahimik ka?"tanong ni Rin.

Hindi agad ako nakasagot dahil kinakabahan ako sa mga nangyayari ngayon. Alam kong hindi ako dapat kabahan dahil may tiwala naman ako kay Zichu at imposible naman na ikasal siya dahil wala siyang nababanggit sa akin na ganoon.

Kailangan kong mapuntahan ang tahanan nila Zichu. Sa tingin ko ay yun lamang ang makakapagpakalma sa akin ngayon. Talagang pinagpapawisan ako ngayon hindi lamang dahil sa kaba kundi dahil na din sa takot na baka totoo nga ang narinig ko.

"Rin, samahan mo naman ako oh"pakiusap ko kay Rin.

"Saan naman Yiren? Alam mong hindi papayag ang amo kung aalis ka ngayon"sagot niya.

"Kailangan ko lang makasigurado Rin. Pakiusap samahan ko ako doon sa tahanan nila Zichu."muli kong pakiusap at hinawakan kona ang kamay ni Rin.

"Kung iyan ang nais mo ay sige sasamahan kita."sagot ni Rin na ikinahinga ko ng malalim dahil hindi pa din kumakalma ang aking pakiramdam.

Tumayo na ako at lumabas sa aking silid habang si Rin ay nakasunod na sa aking likuran.

"Maraming tao sa baba Rin, kaya mas madali tayong makakalabas ng bulwagan"wika ko.

"Mabuti kung ganoon at mapapadali ang pag-alis natin"sagot ni Rin.

Nakababa na kami at ngayon ay nakita ko sina Ama at Ina na kausap ang ibang mga ministro sa bandang dulo ng aming bulwagan kaya naman binilisan kona ang lakad ko para marating kona ang aming tarangkahan.

Mabilis kong nalagpasan ang mga tao at ngayon ay nasa harapan na ako ng aming tarangkahan at papalabas na sana kami ng tarangkahan ni Rin nang harangin kami ng tagabantay.

"Ginoo, ipinagbabawal po ng Amo ang inyong paglabas ngayon"wika ng tagabantay.

"May bibilhin lamang kami sa pamilihan sandali"wika ni Rin.

"Ngunit mahigpit na ipinagbabawal ng Amo ang pag-alis ng Ginoo ngayong araw."sagot ng tagabantay.

"Mabilis lamang kami at babalik ako kaagad"ako na ang nagsalita.

"Ngunit ginoo mapapagalitan po ako..."sagot niya na hindi na niya naituloy dahil napuno na talaga ako.

"Palalabasin mo kami ngayon o mawawalan ka ng trabaho ngayon din!?"pagputol ko sa sasabihin niya.

Nakita kong natakot siya sa sinabi ko kaya naman dahan-dahan niyang binuksan ang tarangkahan at nakalabas na kami ni Rin.

Naglakad na kami ni Rin papunta sa tahanan nila Zichu kung saan daw idinaraos ang pagdiriwang ng sinasabing kasalan.

"Hindi ko alam na kaya mong gawin iyon sa tagabantay hahaha"natatawang wika ni Rin.

"Masyado kasi siyang makulit pero di ko naman totoohanin iyon dahil naawa din ako sa kanya lalo na't ginagawa niya lamang ng maayos ang trabaho niya."sagot ko.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon