Litong-lito ako sa mga nangyayari
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa isang kwarto ako na ngayon ko lamang nakita.
Agad na nagsisigaw ang isang babae sa aking tabi.
"Amo! Amo! Gising na si Ginoong Yiren!" Malakas na sigaw nya.
Dinig na dinig ko pa ang malalakas na yabag ng mga tao na paakyat patungo dito sa kwarto.
"Yiren! Kapatid ko sa wakas ay nagkamalay ka din!" Tuwang-tuwa na sabi ng isang hindi pamilyar na babae.
Tinitigan ko lamang sya.
Sino ba ang mga ito?
Bakit Yiren ang tinatawag nila sa akin?
Eh Jasper ang pangalan ko?
"Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin Yiren?"takang tanong nya.
Hindi kona napigilan ang aking sarili na magsalita.
"Sino kaba? At bakit Yiren ang tawag niyo sa akin?"nagtatakang tanong ko.
"Nako! Mukhang nawalan ng ala-ala ang Ginoo dahil sa kanyang pagkakabagok sa lawa" wika ng babaeng sumisigaw kanina.
"Totoo nga ang sinabi ng mga doktor na mawawala ang iyong mga alaala"
"Ngunit panandalian lamang daw yaan at babalik din ang iyong mga alaala kapatid"wika ng babae sa aking tabi.
Nalilito pa din ako
Pero sa ngayon ay naririnig ko ang mga tao sa labas na tuwang-tuwa dahil ako daw ay nagising na.
Ano ba ang nangyayari?
Huling natatandaan ko ay nahulog ako sa balon na malapit sa aming bahay.
Pagkatapos noon ay bigla na lamang dumilim ang paligid at ngayon ay nasa ibang tahanan na ako.
Tapos ngayon ay nawalan pa ata ako ng memorya.
Nasaan ba ako?
Paano ako napunta dito?
Nahihilo nako sa kakaisip kaya ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng antok.
BINABASA MO ANG
The Palace's Secret
Ficción históricaAnong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana? Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan? Samahan si Jasp...