Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Pagkapasok pa lamang namin sa loob ng tinutuluyan ni Han ay naubo na ako dahil sa mga alikabok doon at hindi kagaya sa aking palasyo na maayos ang lahat.
Dito sa tinutuluyan ni Han ay daig pa ang silid ng mga tagapagsilbi sa aking palasyo. Talaga namang naawa ako kay Han na ngayon ay nanginginig na.
"Han, bakit hindi ka nagsasabi sa amin na ganito na ang nararanasan mo rito?"tanong ko sakanya.
"Wala naman akong magagawa Yiren, mababa lamang ang aking posisyon at hindi masyadong maimpluwensya ang aming pamilya"tugon niya sa akin.
"Kahit na Han, nandito naman kami nina Kim at Yang upang tulungan ka"wika ko ulit.
"Nahihiya din ako na laging humingi ng tulong sainyo lalo na sayo dahil ikaw ay higit na mataas sa akin"wika niya.
"Ano ka ba naman! Huwag kang mahiya sa akin naiintindihan mo ba?"wika ko.
"O-oo"nauutal na sagot niya.
Agad kong inutusan ang mga tagapagsilbi na ikuha na siya ng bagong kasuotan at tulungan na siyang magbihis.
Sinunod agad nila ang utos ko at habang nagbibihis si Han ay dumating na si Rai na inutusan ko kanina lamang na ikuha din ako ng bagong kasuotan para makapagpalit ako.
Agad akong nagtungo sa isang gilid at tinulungan na ako ng tatlo na magpalit ng aking kasuotan.
Natapos na akong magpalit at ngayon ay hawak ko ang pampainit ng kamay upang hindi ako lamigin.
Si Han naman ay tapos na rin magbihis kaya lang ay nanginginig padin siya hanggang ngayon dahil kanina pa siya nakaluhod sa niyebe at kung hindi pa ako dumating ay lalo pa siyang magtatagal na nakaluhod doon.
Inalalayan ko si Han papasok sa Gitnang bahagi ng Yonghegong kung nasaan ang Kamahalan at Huangho.
Agad kaming pumasok sa bulwagan at doon ay naabutan namin ang Kamahalan at Huangho na nakaupo na habang sina Shin Pin at Ji Guiren ay nakaupo din at animo'y mga aso na nangingig.
Agad kaming naglakad papalapit sa kanila at nang makalapit ay bumati kaming dalawa ni Han.
"Pagbati, Kamahalan, Huangho niangniang"wika namin ni Han.
"Mianli, maupo na kayo"wika ng Huangho.
"Salamat, niangniang"sabay ulit naming wika ni Han.
Magkatabi kami ni Han na umupo at nagsimula na ngang magsalita ang Kamahalan.
"Ang inyong gulo ay dinig na dinig hanggang sa aking palasyo, ano ba ang nangyari dito?"tanong ng kamahalan.
"Sagot sa Kamahalan, ako ay likas na lamigin talaga kaya naman kailangan ko ang aking mga uling upang labanan ang lamig. Kanina ay iniulat sa akin ng aking tagapagsilbi na nawawala ang uling ko kaya naman pinahanap ko ito sa buong palasyo at kanila itong natagpuan sa Silangang bahagi ng palasyo na siyang tinutuluyan ni Han Changzcai."sagot ni Shin Pin.