Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
"Saan ka galing?"wika ng kung sino.
Agad akong humarap tungo sa direksyon ng taong bumulong sa akin at nagulat ako dahil nasa harapan ko ngayon ang Kamahalan.
"Kamahalan!?"nagulat kong wika.
"Talaga bang nakakagulat na makita ako hahaha"natatawang wika nito.
"Kamahalan..."turan ko habang nakayuko dahil nakakahiya no hubo't hubad ang mima niyo tapos makikita ako ng Kamahalan.
"Ano ang dahilan ng iyong pagyuko Yiren? Nakita ko naman na ang lahat sa iyo kaya walang dahilan upang ikaw ay mahiya sa akin."sambit ng Kamahalan.
Napaangat na ako ng tingin sa Kamahalan at nagulat ako nang makita ko siya na nagtatanggal na ng kasuotan at nang matapos siya ay wala pa rin yata ako sa katinuan.
"Yiren, ang sabi ko ay magsabay na tayo sa pagligo upang hindi na mahirapan ang mga tagapagsilbi sa pagpapalit ng tubig na ginamit mo."wika ng Kamahalan na nagpabalik sa akin sa reyalidad.
Magsasalita pa lamang sana ako nang bigla din siyang lumusong sa aking paliguan kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang umusog at bigyan siya ng pwesto.
Nang makalusong na siya ay hinatak niya ako sa kanyang tabi at nangyari na nga ang mga dapat na maganap.
And the rest is history hahahahahaha nadiligan na na naman ako charot.
Matapos naming "maligo" ay una kong tinuyo ang katawan ng Kamahalan at tinulungan ko rin siya na magbihis ng kanyang pantulog dahil halata naman na rito siya matutulog sa aking palasyo ngayon.
Matapos namin na magbihis ay sabay na kaming nagtungo sa aking silid upang magpahinga na dahil bukas ay tutungo pa ako sa Jingyanggong upang bisitahin si Qi Fei at ang Unang Prinsipe.
Ngayon ay nakahiga na kami at magkatabi nang biglang magtanong ang Kamahalan.
"Yiren, hindi mo pa nasasagot ang aking katanungan kanina. Saan ka nanggaling?"tanong nito.
"Kamahalan, nanggaling ako sa Jingyanggong"sagot ko.
"Jingyanggong? Ano ang ginawa mo sa palasyo ni Qi Fei?"tanong nito muli.
"Kamahalan, binisita ko siya dahil sa kanyang paanyaya at sa aking pagbisita ay nalaman ko ang kanyang karamdaman na matagal nang hindi nabibigyang ng lunas kaya naman lumalala na ito at humantong sa punto na hindi na ito kaya pang gamutin ng mga Taiyi"sagot ko.
"Hindi nakarating sa aking kaalaman ang ganitong ulat, si Qi Fei ay isa sa aking mga Unang Fei at siya ang Ina ni Yonghuang(Unang Prinsipe)."wika nito.
"Maging ako ay nagulat sa aking nalaman Kamahalan"wika ko.
"Bukas ay bibisitahin ko siya sa kanyang Palasyo, sumama ka sa akin"wika nito.