19 | Pagsagip

484 29 1
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Kinabukasan ay ginising na ako nila Rin at Rai upang kumain na ng agahan na inihanda para sa akin.

"Niangniang, handa na ang inyong agahan at pagkatapos ninyo mag-agahan ay maliligo na kayo upang mamaya ay makapaglibot tayo dito sa kaharian"wika ni Rin sa akin.

"Hindi pa din ako makapaniwala na nandito na tayo sa kaharian"wika ko.

"Niangniang, masanay kana lalo na't hindi na tayo maaring umalis dito."wika ni Rai.

"Sige na sabayan niyo na ako mag-agahan"turan ko.

"Yiren, nandito ang ibang mga tagapagsilbi. Hindi maganda na makita nila na magkakasabay tayo na kumain dahil hindi ito ayon sa batas ng kaharian"bulonh ni Rin.

Napatango na lamang ako dahil hindi ko naman alam na ganoon pala.

Nagsimula na akong kumain habang sina Rin at Rai ay nasa tabi ko lamang.

Maya-maya ay pumasok ang isang Eunuch na naninilbihan dito sa akinh palasyo.

"Niangniang, narito na po ang inyong bagong tagapaglingkod"wika niya.

"Bagong tagapaglingkod? Sige papasukin mo siya"wika ko bagamat nalilito ako.

Pumasok ang isang may katandaang babae na mukha namang seryoso lamang.

"Pagbati Yi Pin Niangniang"wika niya sabay luhod.

"Maari kanang tumayo"wika ko.

"Maraming salamat niangniang."sagot niya.

"Hindi ko alam na mayroon akong bagong tagapagsilbi."wika ko.

"Ako po si Luyun niangniang, nanilbihan na ako sa palasyo sa loob ng mahabang panahon kung kaya't ako ang kanilang ipinadala upang maging inyong punong tagapagsilbi bukod sa inyong mga tagapagsilbi na galing sa inyong kinalakihang tahanan"sagot niya sa akin.

"Hmm kung gayon ay ikinagagalak kitang makilala Luyun"wika ko at nginitian ko sya.

Mukha naman siyang mabait pero may pagkastrikto din. Maganda na din siguro na may tagapagsilbi ako na matagal na sa kaharian para may napagtatanungan ako kung sakali.

Natapos na akong mag-agahan kaya naman nagtungo na ako sa silid paliguan upang maligo obviously hahahahacharot.

Doon ay naabutan ko ang isang bath tub kung tawagin sa ating panahon. Ito ay puno ng tubig at sa ibabaw nito ay puno din ito ng mga bulaklak.

Tinulungan nila akong lumusong doon at kung nagtataka kayo kung bakit ayos lamang na naroon si Luyun ay dahil nalaman ko na pinili siya ng aking Ina bilang tagapagsilbi ko dito sa palasyo kaya alam niya ang aking sikreto.

Lumipas ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo dahil nga wala naman akong ginawa lalo pa't sila Rin at Rai ang naglinis sa akin.

Narito na ako sa tapat ng aking salamin at inaayos na nila ang aking buhok ayon sa ayos na para sa mga Pin.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon