Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Jasper/Yiren
Matapos ang usapan namin ni Rin ay nagsabi ako sa kanya na gisingin nya na lamang ako kapag kakain na ulit kami at matutulog muna ako ulit.
Sinunod niya naman ang utos ko at agad siyang lumabas ng kwarto at narinig ko na lang ang mga yabag niya.
Habang nagpapaantok ako ay tumulala muna ako at saka ko naisip na parang ambilis naman ng mga nangyayari sa akin jusme.
Parang kanina lang ay naglilinis ako kasama ang apat na mga kaibigan ko tapos narinig ko yung boses na nanghihingi ng tulong at dahil sa kanya sumilip nanaman ako sa balon at may kung sinong tumulak sakin.
Tapos ngayon ay nandito nako sa isang bahay na kanina lang ay hindi pamilyar sa akin at ang mas nakakaloka doon ay nasa ibang katawan ako. I mean katawan ko pa din naman ito pero ibang tao na ako at nasa ibang panahon pa ako.
Napunta ako sa panahon na uso pa ang mga Emperor kaloka naman talaga oh!
Andaming nangyari sa akin sa loob lamang ng maikling panahon at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako dahil dito. Alam ko naman na wala pa akong magagawa sa ngayon dahil bago lang ako dito at nag-aadjust pako sa paligid ko pero dapat akong makagawa ng paraan para makabalik ako sa panahon ko.
Sa ngayon ay pipilitin ko nalang muna makibagay sa mga tao dito bilang si Yiren, isang matalino at ubod ng gwapong binata na hinahangaan ng lahat.
Alam kong hindi magiging madali para sa akin ang lahat lalo na't hindi ako sanay sa mga kilos at gawi nila dito sa panahong ito pero kaya ko naman sigurong aralin yung mga iyon habang nandito pa ako diba.
Naramdaman kona ang antok kaya itinigil kona ang pag-iisip ko at nagpatangay sa antok.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero tila ba isang talon na umaagos sa akin ngayon ang mga pangyayari kung saan nakikita ko ang sarili ko na naglalaro dito sa bahay na ito.
Nakikita ko din ang sarili ko na kasama ang isang babae na sa tingin ko ay nasa sampung taong gulang na pumipitas ng ilang mga bulaklak sa hardin habang sa likod namin ay mayroong dalawang babae na nakatingin lamang sa aming mga ginagawa.
Nakilala ko ang mga batang iyon. Ang katabi ko ay si Yuri na nahalata ko agad dahil sa hindi nalalayong itsura nito sa akin at ang mga nasa likod namin ay sina Rin at Rai.
Kung gayon ay totoo nga ang mga sinabi nila na bata pa lamang sila ay naninilbihan na sila sa amin.
Nawala ang memoryang iyon at napalitan ng eksena kung saan kumakain kami ni Yuri kasama ang isang napakagandang babae at isang lalaki na seryoso ang itsura pero gwapo din naman. Siguro ay sila ang mga magulang nila Yiren at Yuri.
Masaya kaming kumakain at nakikita ko sa mga mata nila ang galak habang nagkukwentuhan sila.
Napalitan nanaman ito at dito naman ay nakita ko ang sarili ko na nagbabasa ng isang libro habang marami pang mga nakapatong na libro sa harapan ko.