Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Maaga akong gumising kinabukasan dahil mamayang hapon ay tuluyan ko nang lilisanin ang tahanang ito upang pumasok na sa kaharian at maging isang asawa ng hari.
Lumabas na ako sa aking silid at bumababa. Doon ay naabutan ko sina Ama at ang aking Guro na naguusap lamang kaya naman hindi kona sila inabala at tumungo muna ako sa silid nina Rin at Rai.
Doon ay nakita ko ang dalawa na nag-aayos ng sarili at nang makita nila ako ay nginitian ko sila.
"Kamusta maayos naba ang inyong mga gamit?"tanong ko.
"Kagabi pa namin ito naisaayos Kamahalan"sagot ni Rai na nakangiti.
"Ano kaba Rai, sinabi nang kapag tayo tayo lamang ay maari nyo naman akong tawagin sa aking ngalan"sagot ko sakanya.
"Sinasanay lang naman namin ang sarili dahil kapag nasa kaharian na tayo ay hindi ka namin maaring tawaging sa iyong ngalan ng basta basta lamang"wika ni Rin.
"Ngunit kapag tayo tayo lamang ay tawagin nyo ako sa aking ngalan dahil hindi pa din ako nasasanay na tawagin na Kamahalan"natatawang wika ko.
Matapos ang aming munting pag-uusap ay iniwan kona sila dahil magtutungo pa sila sa kanilang tahanan upang magpaalam sa kanilang mga pamilya lalo na't kapag pumasok na kami sa kaharian ay madalang na lamang silang makalalabas ng kaharian.
Pagsapit ng Kasikatan ng araw mamaya ay darating na ang karwahe ng kaharian na maghahatid sa akin patungo sa palasyo. Kaya naman habang maaga pa ay nais ko muna sana na libutin ang Kapitolyo kahit sa huling pagkakataon dahil panigurado akong mamimiss ko ang lugar na ito.
Pumasok na ako sa aming tahanan at hindi kona nakita sina Ama kaya umakyat na ako sa aking silid at nagpatulong sa isang tagapagsilbi na magpalit ng kasuotan para sa aking paglabas.
Natapos na akong magbihis kung kaya't nagtungo na ako sa aming tarangkahan at nagbilin na babalik din ako kaagad dahil maglilibot lamang ako sa kapitolyo sa huling pagkakataon.
Sinamahan ako ng isang tagapagsilbi dahil nga wala si Rin at Rai ngayon. Naglalakad na ako ngayon papunta sa pamilihan kung saan marami din ang naganap.
Narating kona ang pamilihan at kagaya dati kapag maaga pa ay maraming tao rito. Mga mamimili at mga nagtitinda na masayang nag-uusap habang nagpapalitan ng salapi at produkto.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa marating ko ang tulay kung saan minsan na akong bumuo ng pangako na siyang nabali din ilang araw na ang nakalilipas.
Sandali lamang ako doon sa tulay na iyon sapagkat nais ko na magtungo sa talon na saksi sa ilang mga pangyayari na naganap doon.
Inutusan ko muna ang tagapagsilbi na umuwi upang ikuha ako ng pamalit dahil nais ko sana na magtampisaw sa talon sa huling pagkakataon.