42 | Si Yiren at Seiya sa Kapitolyo

326 19 5
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na kaming dalawa dahil talaga namang malamig na ang lapag at malaki ang tyansa na kami ay magkasakit neto.

Sinuot naming dalawa ang aming mga kasuotan at ang mga ngiti na siyang nagpapahayag ng aming wagas na kasiyahan.

Sabay kaming bumaba at nang marating namin ang baba ay naroon na ang aking sedan pati na rin sina Rin at Rai na tila aligaga na.

"Niangniang! Basang-basa ang iyong kasuotan maging ang iyong katawan!"nag-aalalang turan ni Rin.

"Ayos lamang ako, Rin"wika ko.

"Niangniang, bakit naman hindi niyo isinama ang kahit isa man lamang sa amin"tanong ni Rai.

"Nais ko lamang mapag-isa kanina ngunit ngayon ay ayos na ako, huwag na kayong mag-alala pa."sagot ko at nginitian ko silang dalawa.

Magsasalita pa sana ang dalawa nang biglang sumingit ang Kamahalan.

"Yiren, maghanda kana dahil sa pagsikat ng araw ay siyang pag-alis din natin"paalala niya.

"Masusunod, Kamahalan"wika ko sabay tango.

"Hmm, magkita nalang tayo mamaya, mag-iingat ka pabalik sa iyong palasyo"wika nito at saka umandar ang kanyang sedan papuntang Yangxindian.

"Paalam, Kamahalan"wika ko na sinundan ng mga tagapagsilbi ko.

Hindi na rin ako nagtagal pa at agad na akong sumakay sa aking sedan at bumalik sa aking palasyo upang maghanda para sa aming pagpunta sa Kapitolyo.

Ipinikit ko muna ang aking mata upang magpahinga saglit hanggang sa abisuhan ako ng dalawa na nakarating na kami sa palasyo.

Sinalubong ako ni Han na halata kong nag-alala sa akin.

"Niangniang, saan ka nagtungo at ikaw ay nawala buong araw!?"nag-aalalang tanong nito.

"Naglibot lamang ako, Han huwag kang mag-alala"sagot ko at hinawakan ko ang kanyang kamay.

Sinamahan niya ako sa pagpasok sa aking palasyo kung saan sinalubong naman ako nina Luyun at Yonghuang.

"Muqin! Tama ang aking hinuha, doon ka nga natagpuan ng Huang Ama"wika nito.

"Ikaw talaga"wika ko rito sabay pisil ng mahina sa kaniyang pisngi.

"Niangniang, ipinahanda ko na ang iyong paliguan upang hindi ka lamigin"wika ni Luyun kaya naman dumiretso na ako sa paliguan at sinundan ako ng tatlo.

Ang aking paliguan ay umuusok ngayon dahil mainit na tubig ang pumupuno rito ngayon. Hindi naman sobrang mainit to the point na malalapnos nako ha. Hahaha

Saktong init lamang para mawala ang lamig sa aking katawan dahil sa sobrang pagbababad sa ulan at sa alam niyo na hehehe.

Nagbabad lamang ako sa tubig habang ang tatlo naman ay pinupunasan ang aking braso pati na rin ang aking hita. Sinusuklayan din nila ang aking buhok na basang-basa pa rin dahil nga sa ulan.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon