Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren/Jasper
Maaga akong ginising ni Rin dahil daw ngayon ay darating ang guro ko.
Agad akong napabangon ng marinig ko na ngayon darating ang guro ko dahil interisado akong malaman kung paano sila nag-aaral sa panahon na ito.
Nagpatulong ako kay Rin na ligpitin ang higaan ko at matapos iyon ay kumain muna ako sa baba at napansin ko na wala si Yuri at Rai kaya tinanong ko si Rin kung nasaan ang dalawa.
"Nagpunta ang Binibini sa tahanan ng kanyang guro upang maghanda na dahil ilang buwan na lang ay inyong kaarawan na at papasok ba din ang Binibini sa palasyo kaya naghahanda na siya"sagot ni Rin.
Mukhang nais talagang makakuha ni Yuri ng mataas na posisyon para sa aming pamilya. Sana lang ay magtagumpay siya at maging masaya kapag nandoon na siya.
Matapos kong kumain ay ipinahanda kona kay Rin ang paliguan para maya-maya ay makagayak nako at baka dumating na ang guro ko.
"Yiren, naihanda ko na ang paliguan mo"
"Susunod na ako diyan"
Eto ang unang beses ko na makikita ang paliguan nila dahil paggising ko nung nakaraan ay malinis at bihis na ako kaya diko na nasilayan ang itsura ng mga paliguan ng panahon na ito.
Pagpasok ko sa paliguan ay namangha ako dahil parang nasa hot spring lang ako dahil sa tubig na nasa bato at mas pinaganda pa ito ng mga rosas na nasa ibabaw ng tubig.
Nang idampi ko ang kamay ko sa tubig ay malamig ito at gusto ko na agad na magtampisaw kaya tinanong ko nalang kay Rin kung saan nakalagay ang sabon para ako na ang kukuha nito mamaya.
Tinuro niya agad ito at tinandaan ko iyon bago ko sinabi sa kanya na ihanda na niya ang mga susuotin ko pagkatapos ko maligo.
Hinubad ko ang aking kasuotan at bago ako lumusong sa tubig ay kinuha ko muna ang sabon at inilagay sa isang tabi na malapit lamang sa akin.
Dahan-dahan na akong lumusong sa tubig at nang buong katawan kona ang nasa tubig ay saka ko nadama ang lamig na gustong-gusto ng katawan ko.
Binabad ko muna ang katawan ko at saka ako pumikit at nagmuni-muni.
Inalala ko ang pagakahulog ko sa balon at ang pakiramdam ko noong nakalubog lamang ako sa tubig tapos ngayon ay nandito nako sa katawan ni Yiren at pilit nag-aadjust sa panahon na ito.
Siguro naman ay madami akong matutunan sa guro na iyon dahil ako lang ang tinuturuan niya.
Matapos kong magbabad sa tubig ay sinimulan konang magsabon at naghahanap ako ng shampoo kanina pa pero wala akong makita.
Hanggang sa mapadako ako ng tingin sa isang parang bowl na mayroong mga kulay lila na bulaklak at nang hawakan ko iyon ay medyo malagkit siya pero mabango ang amoy kaya nilagay ko sya sa ulo ko para naman mabango pa din ang ulo ko dahil wala namang shampoo dito ay pwede na siguro iyon.