Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Tatayo na sana ako at babati nang hilahin niya ako paupo sa tabi niya kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang magpatangay sa Kamahalan.
"Bakit dito ka natutulog?"tanong niya.
"Inilibot ko si Yonghuang ngayon sa Kaharian upang malibang naman ang bata lalo pa at bukas ay mag-aaral na siyang muli."sagot ko.
"Ganoon ba"napatango ang Kamahalan at ako naman ay napangiti.
May sasabihin pa sana ang Kamahalan nang biglang dumating si Yonghuang at bumati sa kanyang Ama.
"Pagbati, Huang Ama"wika niya.
"Yonghuang, halika sa aking tabi"wika ng Kamahalan.
Lumapit ang bata at tinabihan ang kanyang Ama na hinila siya papunta sa aming gitna at doon ay napangiti na lamang ako dahil pumasok sa aking isipan ang larawan ng isang masaya at simpleng pamilya.
Isang bagay na hindi ko naranasan sa aking panahon dahil si Mama lamang ang nagpalaki at nagparamdam sa akin ng pagmamahal.
Anyways ayoko malungkot kaya balik tayo sa mag-ama na ngayon ay nagkakamustahan at masayang nag-uusap.
Kita ko sa mata ng bata na talagang malapit siya sa kanyang Ama at ganoon din ang Kamahalan dahil si Yonghuang ang kanyang unang Anak kaya naman higit na malapit siya rito.
Pinagmamasdan ko lang sila habang nag-uusap nang bigla akong pitikin sa ilong ng Kamahalan.
"Kanina pa kita tinatawag, ano ba ang nasa iyong isipan?"tanong ng Kamahalan habang nakangisi.
Narinig ko naman ang tawa nina Yonghuang, Luyun, at Schel sa paligid.
"Kamahalan naman e, natutuwa lamang akong pagmasdan kayong dalawa"sagot ko.
Natawa ito at hindi na nagsalita pa.
Maya-maya ay nagpaalam na ito sa kanyang Anak at sa akin.
"Yonghuang, bibisitahin ka ni Ama sa aking libreng oras. Yiren, alagaan mo maiigi ang ating anak"wika nito na nagpagulat sa akin.
Ano raw!? Ating anak?
Halaaaaaa!!!!? Omygad
"Niangniang, nakaalis na ang Kamahalan"wika ni Luyun na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Saka lamang ako napatayo at nung nagsink-in na sa akin yung sinabi ng Kamahalan ay masaya kong niyaya si Yonghuang na umuwi na sa aming Palasyo dahil maggagabi na.
Ilang minuto rin ang inabot bago kami maka-uwi at nang marating na namin ang aming Palasyo ay dumiretso kami sa silid ni Yonghuang dahil maliligo na ang bata.
Ipinahanda ko na ang paliguan niya habang tinatanggal ko ang tirintas ng kanyang buhok upang pagkaligo niya maya maya ay mas madali itong ayusin.
"Yonghuang, naging masaya ka ba ngayong araw?"tanong ko sa bata.