8 | Naiwang Gamit

687 34 0
                                    

•Yiren/Jasper

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat at mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking balat at mata.

Himala nga at hindi ako ginising ni Rin ngayon. Siguro ay wala naman akong mahalagang gagawin ngayon kaya nag-suklay lang ako ng buhok at nag-punas sandali ng mukha at saka ako bumaba.

Naabutan ko sina Yuri at Rai na nagkukwentuhan sa baba. Agad nila akong napansin nang umupo ako sa tabi ni Yuri.

"Kamusta ang hapunan kahapon?"tanong ni  Yuri.

"Maayos naman kaso hindi din ako nagtagal dahil inantok din ako kaagad pagkatapos kumain"sagot ko.

"Napagod ka din daw kahapon dahil sa maghapon ninyong pag-aaral ni Ginoong Sei. Kaya pala sinabi sa akin ni Rin kanina na hayaan ka munang magpahinga dahil wala ka namang mahalagang gagawin ngayon."wika niyang muli.

"Teka nasaan nga pala si Rin?"tanong ko sa kanya.

"Umuwi po muna sa kanilang tahanan si Rin dahil may karamdaman daw po ang kaniyang Ama at bibisitahin niya laamang daw po muna. Nagpaalam po siya sa inyong Ina at Ama kaninang umaga."sagot ni Rai sa aking tanong.

Nako! Sana pala ay binigyan ko ng karagdagang salapi si Rin para makatulong ako sa kanyang Ina.

"Ganoon ba? Nais ko na sanang maligo bago kumain maya-maya. Maari mo bang ihanda ang paliguan para sa akin Rai?"tanong ko sa kanya.

"Masusunod po Ginoo"simpleng sagot niya lang sa akin at siya ay umalis na para ihanda ang paliguan.

"Yiren, nakita mo ba kagabi si Ginoong Zichu?"biglang tanong sa akin ni Yuri.

Bakit naman niya naitanong sa akin.

"Oo, kasama siya ni Ama dito kagabi at kasabay din sa pagkain."sagot ko sa kanya.

"Ano? Napakakisig niya hindi ba!"wika niya habang nakangiti.

"Sandali nga, may gusto kaba sa kanya?"tanong ko sa kanya.

"Nako, wag mo akong itulad kay Rai na gustong-gusto ang lalaking iyon no!"sagot niya sa akin.

"Gusto pala siya ni Rai"ani ko.

"Oo, kaya nga hindi ko binanggit kanina dahil baka ulanin ka ng mga tanong mula sa kanya no hahahaha."natatawang sabi niya.

Kaya pala hinintay niya muna na umalis si Rai bago ako tanungin.

"Oh kamusta naman si Ginoong Zichu kapatid? Pasado ba sa iyo?"pilyang tanong niya na ikinagulat ko.

Huwag mong sabihin na alam niya din na medyo malambot tong si Yiren.

"Oh huwag kanang magtaka jan, kakambal kita kaya alam ko ang bagay na iyan. Bata pa lamang tayo ay hindi mo na hilig ang pakikihalubilo sa ibang mga lalaki dahil mas gusto mo pang magbasa ng mga libro at mamitas ng mga bulaklak na madalas ay gawain ng mga babae. Napakahinhin mo din at napakapino ng mga kilos mo."wika niya sa akin.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon