Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Naramdaman ko na may yumuyugyog sa aking katawan at dahil doon ay naalimpungatan ako.
Hala! Nakatulog pala ako kaloka.
"Yiren, handa na anggamot para sa iyong mga latay"wika ni Rin.
"Nakatulog pala ako"wika ko.
"Marahil ay dahil sa pagod na dinanas mo kaya mabilis kang nakatulog"sabi ni Rin.
"Rin, ganon ba talaga kastrikto si Ama?"tanong ko sakanya.
"Hindi naman, siguro ay nag-aalala lamang siya sayo lalo kagagaling mo lamang sa isang aksidente kaya ganoon na lamang ang pagiging istrikto niya sa iyo."sagot nito.
"E bakit naman pati si Yuri ay paparusahan niya na dapat kung hindi lang ako dumating ay baka may latay na din ang kapatid ko dahil sa kagagawan ko"wika ko.
"Dahil nagsinungaling ang Binibini na hindi naman niya talaga ginagawa kahit noong mga bata pa tayo ay hindi talaga siya mahilig magsinungaling."sagot niya ulit.
"Ganoon pala, sa tingin mo ay ano ang mga gagawin ko dito sa loob ng isang linggo na nakakulong ako dito"tanong ko sakanya.
"Magbasa kana lamang ng iyong mga libro o di kaya ay maghabi na lamang tayo para may mapagkaabalahan ka naman habang nandito lang tayo sa tahanan."sagot niya habang dahan-dahang nilalagyan ng kung anong dahon ang latay ko.
"Siguro nga ay yun na lang ang gagawin ko"sagot ko sakanya.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang paglapat niya ng gamot sa aking latay at nagpaalam na din siya sa akin dahil anong oras na din naman.
Umalis na si Rin sa aking silid at ako nalang mag-isa ang naiwan.
Tumayo muna ako sa aking higaan at nagpunta ako sa bintana ng aking silid.
Tanaw na tanaw ko mula rito ang buwan na napakaliwanag ngayong gabi. Napakagandang pagmasdan nito lalo na't tila nakangiti ito sa akin.
Napangiti na lamang ako sa naisip ko dahil naalala ko na nung bata ako ay lagi ko pang inaakala na hinahabol ako ng buwan kaya power takbo naman ako para makipaglaro sa kanya.
Nakakamiss lang ang mga ganong alaala kung saan wala pang problema at wala pa ako dito sa panahong ito.
Dinampot ko ang suklay sa kalapit na lamesa at unti-unti kong sinuklay ang aking buhok na ngayon ay nakalaylay na at tinatangay ng hangin na galing sa labas ng bintana.
Muling pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa aking ngayong araw.
Ang pagtakas ko dito sa aming tahanan para maligo sa talon kung saan nakita ko si Zichu. Si Zichu na kagaya ko ay madalas din pala sa talon na iyon.