•YirenAgad kong ipinahanda ang silid paliguan hindi dahil sa excited akong maligo at magsilbi kung hindi dahil kailangan ko itong gawin dahil wala nang atrasan etong gagawin kong pagsisilbi ngayon.
Nagsipagkilos na agad sila dahil ito ang unang beses ko na magsisilbi sa Kamahalan kaya dapat lamang na walang maging palpak dahil alam kong pagkatapos nitong gabing ito ay ako ang magiging sentro ng mga usapan at katapusan ko na din siguro pagkatapos nitong gabi na ito.
Nang matapos na silang maghanda sa silid paliguan ay nagtungo na ako doon at agad na sinimulan ang pagbababad sa aking sarili sa tubig na may purong gatas at mga bulaklak.
Ilang minuto din ang aking itinagal sa paliguan hanggang sa ako ay nagpasya nang umahon at mag-ayos na ng sarili dahil hindi ko naman pwedeng salubungin ang kamahalan na nakatali pa din.
Kaya naman inalis kona ang aking mga palamuti sa buhok at naglugay nalang at nagsuklay mag-isa dahil inihahanda ni Rin at Rai ang purong gatas na pagbababaran ko ng paa at kamay ko.
Si Luyun lang ang tumutulong sa akin at habang nagsusuklay ay naisip kong maglagay nalang ng hairpin na babagay sa kulay ng aking kasuotan ngayon na kulay Rosas din.
Inilagay ko sa aking buhok ang hairpin at bumagay naman ito. Kaya ko ito nilagay ay para kahit makita ako ng mga tagapagsilbi ay maayos at kaaya-aya pa din akong pagmasdan.
Tuluyan nang sumapit ang gabi at ngayon ay kasalukuyang nakababad ang aking paa sa gatas na may rosas habang ang aking kamay naman ay nakababad din para sabay na.
Ilang minuto ko din itong binabad at nang magsawa na ako at matiyak ko na malambot na lalo ang aking palad ay ipinaligpit kona ito sa kanila.
Tumawag ako ng ilang tagapagsilbi at inutusan din sila na maghanda na ng hapunan dahil tiyak na dito rin kakain ang Kamahalan kaya dapat ay handa ang aking palasyo.
Habang naghihintay ako ay nagbasaa muna ako ng libro dahil mukhang mamaya pa naman darating ang Kamahalan.
Maya-maya lamang ay nagulat ako dahil nag-anunsyo na sa labas ng aking palasyo.
"Pagdating ng Kamahalan"sigaw sa labas kaya agad akong napasuot ng sapatos at lumabas upang salubungin ang Kamahalan.
Pagkalabas ko sa pintuan ng aking palasyo ay kakapasok pa lamang ng Kamahalan sa tarangkahan ng aking Palasyo.
"Pagbati, Kamahalan"wika ko na sinundan ng aking mga tagapagsilbi.
Naramdaman kong lumapit sa akin ang Kamahalan at nakita ko na inilahad niya ang kanyang kamay sa aking harapan kaya hinawakan ko iyon at ako ay tumayo na.
"Ito ang Unang Gabi mo na kasama ako kaya halika na at pumasok na tayo"wika ng Kamahalan at hinatak niya na ako papasok.
Hindi niya binitawan ang aking kamay kaya naman naramdaman kong namula ako dahil sa hiya at kilig na nararamdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
The Palace's Secret
Historical FictionAnong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana? Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan? Samahan si Jasp...