•YirenLumipas ang mga araw na tahimik lamang ang mga nangyayari sa akin dito sa palasyo. Bukas ay magdadalawang linggo na ako dito kung tama ang bilang ko.
Hindi pa din naman nababaliktad ang pangalan ko para magsilbi sa kamahalan kaya naman malaya padin ako na maglibot libot at nito lamang ay nakarating ako sa isang lugar dito sa kaharian kung saan tanaw ko ang mga palasyo na parang kagaya lamang doon sa aking paboritong lugar sa kapitolyo kung saan tanaw ko ang buong kaharian.
Bukod sa paglilibot ay sinasamahan din ako nina Kim, Yang, at Han na maghabi at nagkukwentuhan din kami kapag niyayaya ko sila kapag wala talaga akong magawa.
Ngayon ay nandito ako sa aking bulwagan at tinutuloy ko ang aking hinahabing panyo at natututo na din ako na maglagay ng aking sariling burda ko na aking palatandaan na ako ang gumawa nito.
Ginagabayan ako ni Luyun sa pagburda habang sina Rin at Rai naman ay pinapaghabi ko din para naman hindi sila mainip dahil wala naman masyadong ginagawa sa aking palasyo.
Ngayon ay hapon na kaya naman naisip ko na imbitahin ang tatlo upang magtsaa kami kaya naman inutusan ko si Rai na tumungo sa kanilang mga palasyo upang ipaabot ang aking imbitasyon.
Mabilis siyang kumilos paalis habang ako naman ay patuloy lamang sa pagbuburda at lumipas ang ilang mga minuto at bumalik na si Rai kasama sina Kim at Yang na agad kong pinaupo.
"Oh nasaan si Han?"tanong ko.
"Niangniang, pasunod na po si Han Changzcai"wika ni Rai.
"Ganoon ba, bakit hindi pa sya sumabay sa inyong dalawa?"tanong ko sa dalawa.
"Madalas namang napag-iisa si Han, Yiren kaya masanay kana sa kanya"sagot ni Yang.
Napatango na lamang ako at maya-maya lamang ay dumating na din si Han kaya naman ipinahanda kona ang mga tsaa upang makapagpainit kami ng aming mga sarili lalo pa't lumalamig na talaga.
"Napansin kong medyo lumalamig na ang simoy ng hangin dito sa kaharian"wika ko.
"Ganoon talaga Yiren, baka mamaya o bukas ay pumatak na ang niyebe na siyang marka na nagsimula na ang taglamig"sagot ni Kim.
Agad naman akong naexcite sa narinig ko dahil hindi ko naman inakala na mayroon palang niyebe dito sa panahon na ito at dahil ito din ang unang beses na makakita ako ng snow.
Napangiti ako dahil sa aking narinig at hindi na nagtanong pa kaya namab tumuloy na kami sa aming kwentuhan at napag-usapan namin ang mga kagamitan kapag taglamig na dito sa palasyo.
Kung saan bawat palasyo ay binibigyan ng kanilang mga uling upang kanilang gamitin sa pagpapainit ng kanilang mga sarili at para na din hindi sila lamigin.
Ang mga pulang uling ay para sa mga Guiren pataas kaya naman nalaman ko na ang ginagamit ni Han na uling ay iyong mga itim na uling na siyang mabilis na maubos hindi kagaya ng pula na mas sapat ang init at mas matagal maubos.
BINABASA MO ANG
The Palace's Secret
Narrativa StoricaAnong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana? Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan? Samahan si Jasp...