Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Ilang minuto lamang ang hinintay ko at natapos din agad ang mga tagapagsilbi sa paghahanda ng aking paliguan.
Nilapitan na ako ni Luyun upang alalayan patungo sa silid paliguan.
"Luyun, papasukin mo si Rin dito at ikaw na ang mag-asikaso kay Yonghuang"utos ko na agad niyang sinunod.
Nag-bow lamang siya at saka lumabas ng silid.
Ilang saglit lamang ay pumasok naman si Rin kasama si Rai at sinimulan na nilang isarado ang buong silid kagaya ng nakaugalian namin upang maging ligtas sa ibang tagapagsilbi ang aking sikreto.
Inalalayan ako ng dalawa sa paglusong sa tubig at sinimulan na ni Rai kuskusin ang aking katawan habang si Rin naman ay abala sa aking buhok.
Sumandal lamang ako at pumikit muna saglit upang ma-relax ko ang sarili ko. Dinama ko muna ang tubig at inamoy ang amoy nito syempre charot HAHAHAHAHAHA.
Mahigit kalahating oras ang lumipas at saka lamang ako napadilat dahil nagsalita ang dalawa na tapos na sila sa kanilang ginagawa kaya naman tumayo na ako.
Binalutan nila ako gamit ang tuwalya at tinuyo ako. Matapos iyon ay sinuot ko ang aking mga panloob at ang panloob na kasuotan ko.
Lumabas na ako sa paliguan at dumiretso sa aking silid upang mag-ayos ng sarili. Para sa araw na ito ay kailangan kong magsuot ng Jifu o ang mga kasuotan ng mga bahagi ng Harem kapag mayroong mga espesyal na kaganapan gaya ng mga pagdiriwang o mga piging katulad ngayon.
Ang kulay ng Jifu na ihinatid dito sa aking palasyo ay lavender na siyang aking ikinatuwa dahil mahilig talaga ako sa mga pastel colors. Napakasarap pagmasdan ng mga ganitong kulay sapagkat hindi sila masakit sa mata.
Sinuot ko na ang aking Jifu at ngayon ay iniaayos na ang aking buhok habang ako ay naglalagay ng pulbos at iba pang kolorete upang mas mahasa ang aking kagandahan emsz HAHAHAHAHA.
Ilang minuto nilang inayos ang aking buhok at nang maayos na ito ay tapos ko na ring piliin ang mga ilalagay na palamuti sa aking buhok at ngayon ay nilalagay na nila ito sa aking buhok.
Pumili ako ng mga gintong palamuti sa buhok at naglagay nalang ako ng mga kulay lilang bulaklak sa tuktok ng aking buhok upang bumagay sa aking kasuotan.
Ang aking hikaw ay kulay lila rin habang ang aking mga singsing at pulseras ay panay ginto sapagkat iyon ang aking mga alahas na ipinadala sa akin ni Ina para sa aking pagpasok dito sa kaharian.
Ilang saglit pa at nasatisfy na ako sa aking itsura kaya naman tumayo na ako at bago ako tuluyang umalis ay nagwisik muna ako ng pabango mula sa ibang bansa na iniregalo sa akin ni Seiya.
Kung nagtataka kayo kung bakit mayroong mga ganito sa kaharian ay dahil ito sa mga inireregalo sa kaharian ng mga dayuhan na inireregalo rin sa aming mga Pinfei.