Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Sa tingin ko ay rinig na rinig sa buong palasyo ang pagsigaw ko dahil matapos akong sumigaw ay naramdaman ko kaagad ang sakit ng aking paa na natapilok pa nga yata.
Ilang saglit lang ay nagmamadaling pumasok sina Rin at Rai. Nadatnan nila ako na nakasalampak sa sahig pero mas uminit pa ang ulo ko dahil nagawa pa nilang magtanong.
"Niangniang, anong ginagawa ninyo sa sahig?"tanong ni Rai.
"Niangniang, marumi ang sahig kaya tumayo na kayo at maupo na lamang sa inyong higaan"suhestyon naman ni Rin.
"Sa tingin niyo bang dalawa ay nais ko lamang humiga rito sa lapag!?"naloloka kong sambit sa kanila.
"Ngunit ano ang dahilan at nakasalampak lamang kayo riyan, niangniang"tanong muli ni Rai.
"Rai! Itayo niyo kaya muna ako hindi yung tanong kayo ng tanong dahil kanina pa ako nakasalampak dito!"pasigaw kong utos dahil hindi ko alam kung saan ako maiinis sa pagkatapilok ko ba o sa nakakalokang katanungan ng dalawa.
Agad naman silang lumapit sa akin at magkatulong na inangat ako. Nagpadala ako sa aking upuan upang maging komportable ang aking pakiramdam dahil pakiramdam ko may naipit na ugat sa paa ko dahil makirot ito.
"Rin, magpunta ka sa Kagawaran ng mga Taiyi at sabihin mo na kailangan ko ng isang Taiyi ngayon din"utos ko kay Rin.
Agad naman itong sumunod sa akin at umalis sa harapan ko at iniwan si Rai na muli na namang nagtanong sa akin.
"Niangniang, bakit ka nga ulit nakasalampak kanina sa lapag?"tanong nito na ikinaikot na lamang ng mata ko.
Yumuko nalang ako sa lamesa at ipinikit ang aking mata kaysa naman mabaliw lang ako dito sa kasama ko.
Ilang saglit pa ang lumipas at may nagsalita sa tabi ko kaya napabangon na ako.
"Niangniang, narito na ang Taiyi"wika ni Rin.
Agad akong humarap sa direksyon nila at nakita ko si Yinzhen, ang Taiyi na unang gumamot sa akin noong ako ay nagsakit-sakitan dati. Siguro ay siya na ang itinalaga para sa akin ng kanilang Kagawaran.
"Pagbati, Yi Fei niangniang"wika nito sabay luhod.
"Mianli"tanging sambit ko at tumayo na ito at lumapit sa kinaroroonan ko.
"Niangniang, maari ko bang malaman kung bakit kayo natapilok?"tanong nito na tinanguan ko naman.
"Nais ko lamang magpahinga at sumalampak sa aking higaan kaya tumakbo ako patungo roon hindi ko inaasahan na tatabingi ang aking sapatos na siyang dahilan kung bakit ako natapilok"pagkkwento ko.
Narinig ko naman na kapwa natawa sila Rin at Rai kaya napatawa na rin ako dahil inaamin ko naman na ang tanga ko sa part na yon. Nawala sa isip ko kung gaano kataas ang mga sapatos na isinusuot namin.