34 | Ang Karamdaman ni Qi Fei

396 30 7
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Matapos ang nangyari kagabi sa hardin ay alam ko na sa aking sarili na nagkaroon ako ng panibagong kaaway sa harem at hindi siya basta basta ngayon.

Dahil siya ang nag-iisang Guifei na dalawang ranggo lamang ang layo sa Huangho pero hindi ako natatakot sa kanya lalo pa't kung patuloy siyang gagawa ng gulo at madadamay ako ay hindi ko siya hahayaan na magtagumpay.

Ngayon ay nandito kami sa Yikungong para sa aming araw-araw na pagbati at pagdidiskusyon ukol sa mga kaganapan sa mga palasyo.

"Nakarating sa akin ang ulat kagabi ukol sa kaguluhan na nangyari sa Hardin"wika ng Huangho

Tahimik lamang kaming lahat at walang gustong magsalita.

"Guifei, Yi Pin ano ang nangyari kagabi?"tanong ng Huangho.

"Pagsagot sa Huangho, kagabi ay nais ko lamang pumitas ng mga bulaklak para sa aking paliguan nang maabutan ko si Qi Fei na nakaluhod sa harapan ng mga tagapagsilbi ng Guifei na sa aking palagay ay hindi nararapat"sagot ko.

"Huangho, walang alam si Yi Pin ngunit malakas ang loob niya na makialam kung kaya naman nais ko din siyang maparusahan dahil sa kanyang kalapastanganan sa akin"naiinis na wika ng Guifei.

"Ganoon pala ang nangyari, Yi Pin pinupuri ko ang iyong pag-iisip. Guifei, hindi maaring maparusahan si Yi Pin dahil hindi siya pinarusahan ng Kamahalan kaya wala tayong lahat sa posisyon upang parusahan siya"turan ng Huangho na ikinangiti ko.

"Ngunit!.."magsasalita pa sana ang Guifei ng lumakas na ang boses ng Huangho.

"Guifei! Kung ano ang aking tinuran, ay siyang susundin ninyo! Maliwanag ba!?"wika ng Huangho.

"Maliwanag, niangniang"wika naming lahat.

Natapos na ang aming pagdidiskusyon at ngayon ay palabas na kami sa aming mga palasyo ng bigla akong lapitan ng isang tagapagsilbi.

"Yi Pin niangniang, kung inyong mamarapatin ay maari ho ba kayong pumunta sa Jingyanggong dahil nais kayong kausapin ng aking Zhúsa"wika nito.

Bakit naman kaya...

"Asahan niyo ang aking pagdating"wika ko at naglakad na paalis.

Pagkadating ko sa Changchungong ay agad akong nagtungo sa aking silid upang mag-palit ng kasuotan at ng mga palamuti ko.

Pinaghanda ko din si Rin at Rai ng mga regali para kay Qi Fei at sa Unang Prinsipe na paniguradong nandoon din.

Ilang minuto lamang ang lumipas at ngayon ay handa na akong umalis. Ipinahanda ko ang aking sedan at isasama ko naman ngayon ang dalawa samantalang si Luyun ang maiiwan ngayon sa palasyo.

Naroon din naman si Han kaya panatag ang aking loob na aalis sa palasyo.

Ilang sandali lamang ang lumipas at ngayon ay nakasakay na ako sa sedan at papunta na sa Jingyanggong upang malaman kung bakit ako nais na makausap ni Qi Fei.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon