Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Pagmulat ko ng aking mga mata ay naroon sa aking harapan ang Kamahalan.
"Kamahalan, ano at naparito ka?"nabigla kong wika at saka ako bumangon.
"Nais lamang kitang kamustahin at binisita ko rin si Yonghuang"sagot niya.
Sariwa pa rin sa aking isipan ang naganap kanina kaya naman hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang.
"Yiren"wika niya.
"May nais ka bang sabihin Kamahalan?"tanong ko ng diretso.
"Alam kong-"pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya dahil alam ko na ang nais niyang ipahiwatig.
"Kung tungkol iyan sa nangyari kanina ay huwag na ninyong ituloy pa Kamahalan. Naiintindihan ko ang desisyon mo."diretso kong turan sa kanya.
Hindi ko siya tinitigan at nakaupo lamang ako sa aking higaan habang siya naman ay nasa gilid.
"Hmm, magpahinga ka nang muli bibisitahin kita kapag may libre akong oras"wika niya at tumayo na siya sa kanyang upuan.
Hindi na ako tumayo para magbigay-galang pa dahil wala akong gana pang gawin iyon. Pinanood ko na lamang na mawala ang pigura niya sa aking harapan.
Maya-maya lamang ay bumalik na ako sa aking paghiga at tinawag ko sandali si Rin upang ipasarado ang tabing ng aking higaan.
Matapos niyang gawin iyon ay pumikit na ako at nagdesisyon na bumalik na sa aking pagpapahinga na naudlot kanina nang dumating ang Kamahalan.
Ipinikit ko na ang aking mga mata at hinayaan kong tangayin ako ng antok at kapaguran.
K I N A B U K A S A N
Kagaya ng nakasanayan ay naghahanda na ako ngayon upang bumati sa Huangho at pagkatapos ay binabalak ko na magtungo muli sa Kagawaran ng Pagsasaliksik dahil baka sakaling naroon na si Ama.
Nais kong malaman ang kalagayan ni Ina sapagkat wala akong magagawa para bisitahin siya. Talagang nakakulong na ako sa kahariang ito sa loob ng mahabang panahon.
Habang nagsusuklay ng buhok ay napansin ko si Luyun na kanina pa ako inoobserbahan at tila may nais siyang sabihin sa akin.
Nagdesisyon na akong kausapin siya dahil tila nahihiya itong magsalita sa akin.
"Luyun, may nais ka bang sabihin sa akin?"tanong ko.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang suklay sa aking kamay at ipinagpatuloy niya ang pagsusuklay sa aking buhok.
"Niangniang, kagabi noong lumabas ang kamahalan mula sa inyong silid ay nahalata ko na nagkaroon kayo ng pagtatalo."wika nito.