56 | Ang Bagong Miyembro

237 22 7
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Ilang araw na ang nakalipas simula noong naganap ang pagtatalo namin ni Seiya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagagawi rito sa aking palasyo.

Maging ako ay wala rin namang balak na muli pa siyang bisitahin sapagkat ayoko nang makasaksi ng eksena na magpapabigat lamang ng aking kalooban.

Nitong mga nagdaang araw ay walang masyadong nagaganap sa aking buhay dahil umiikot lamang ito sa pag-aasikaso ko kay Yonghuang at pagbisita sa Taihou.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa harap ng aking salamin habang inaayos ni Luyun ang aking panlabas na kasuotan. Sinusuklayan ako ni Rai habang si Rin naman ay nililinisan ang aking paa.

Patungo ako sa Huangho maya-maya lamang upang bumati sa kanya at magtungo na rin sa Hardin ng Kaharian dahil hindi na ako nagagawi roon masyado.

Ilang saglit pa ay sinimulan na ni Rai na ayusin ang aking buhok at nang matapos niya itong ayusan ay pumili na ako ng aking mga gagamiting palamuti.

Dahil paborito ko ang aking mga gintong palamuti ay ito ang ginamit ko at isinuot ko rin ang aking gintong mga singsing at pulseras na mga regalo sa akin ng iba't-ibang mga opisyal at nila Ama at Ina.

Iyan din ang isa sa mga pinagkakaabalahan ko, ang pagtanggap ng mga bisita sa aking palasyo. Mga asawa ng mga opisyal na nais dumikit sa akin sapagkat alam nila na ako ang pinaka-pinapaboran ng Kamahalan.

Nang matapos kong ayusin ang aking mga palamuti ay ipinalagay ko na kay Rin ang aking dilaw na sapatos na terno sa aking dilaw na kasuotan na may burda ng mga bulaklak na kulay bughaw.

Kung tutuusin ay hindi ako maaring magsuot ng mga kasuotan na kulay dilaw o pula sapagkat ito ay ang mga simbolo ng Huangho ngunit bilang isang Feipin na pinapaboran ay maari ko rin itong suotin ngunit kailangan kong siguraduhin na hindi sobrang tingkad ng kulay sapagkat isa pa rin akong Feipin.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili ay tumayo na ako at nagwisik ng pabango bago tuluyang maglakad palabas ng aking silid.

Ipinahanda ko na ang sedan kanina kaya naman nakaabang na sila sa labas ng aking palasyo ngayon. Dire-diretso akong naglakad papalabas sa aking tarangkahan.

Inalalayan ako ni Luyun paupo sa aking sedan at nang maayos na ang lahat ay inutusan ko sila na iangat na ako at simulan ang pagtungo sa Yikungong.

Ilang saglit lamang ang itinagal ng aking mini adventure dahil narito na ako kaagad sa tapat ng Yikungong at nang ako ay makapasok. Wala na akong naabutan sa tarangkahan na ang ibig sabihin ay huli na ako at nakapasok na sila sa loob.

Agad akong naglakad papasok at nang buksan ang tabing ay sinalubong ako ng mga tingin ng mga kapwa ko Pinfei at ang nasa harapan ay ang Huangho na nakasuot ng kahel na kasuotan na aking ikinapagpapasalamat sapagkat hindi kami magkaparehas ng kasuotan.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon