58 | Gabing Ka'y Sakit

208 21 6
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Nang masiguro ko na maayos ang lagay nina Han at Yonghuang ay saka pa lamang ako pumasok sa aking silid upang magpahinga naman dahil binabalak ko rin na magpunta ngayon sa Kagawaran ng Pagsasaliksik upang bisitahin si Ama.

Agad akong nagtungo sa aking higaan at sumandal bago ako pumukit at umidlip panandalian.

Taimtim lamang ang aking pagpapahinga hanggang sa hindi ko na namalayan na ako pala ay nakatulog na.

Hindi ko alam kung gaano katagal na oras na ang lumipas ngunit nagising na lamang ako dahil sa pagsigaw ni Rin.

"Kamahalan, kasalukuyang nagpapahinga ang niangniang!" Rinig kong sigaw ni Rin.

Pamulat pa lamang ako ng aking mga mata nang bigla na lamang akong hilahin ng kung sino mula sa aking pagkakahiga kaya napadilat ako kaagad at nasilayan ang mukha ni Seiya na galit na galit ang pagkakatingin sa akin.

"Schel, paalisin mo ang lahat ng tao sa palasyong ito ngayon din!" Galit na utos ni Seiya.

Agad namang umalis si Schel bitbit si Rin na ayaw pa sanang umalis ngunit wala ring nagawa kung hindi ang sumunod na lamang.

Nagpumiglas naman ako sa pagkakahawak sa akin ni Seiya dahil hindi na ako kumportable sa paraan ng paghawak niya sa akin dahil masyado itong mahigpit at nasasaktan na ako.

"Kamahalan, ano ang dahilan ng iyong biglaang pagpunta sa aking palasyo?" Tanong ko.

"Totoo ba na pinarusahan mo si Xiao Guiren na maglakad habang nakaluhod para lamang linisin ang sapatos mo?" Tiim-bagang niyang tanong sa akin.

Ha! Ang bilis naman palang nakarating sa kanya ng balita.

"Siyang tunay, Kamahal--" agad na napapaling sa kaliwa ang aking mukha nang bigla akong makaramdam ng isang mabigat na palad sa aking mukha.

Pinagbuhatan ako ng kamay ni Seiya.

"Alam mo ba na nagdadalang-tao siya? Alam mo ba nasa ginawa mo ay kamuntik-muntikan na siyang malaglagan ng bata? Alam mo ba!?" Pasigaw niyang tanong sa akin.

Agad akong umayos muli ng aking tayo matapos kong makabawi sa sampal na ibinigay niya sa akin.

"Paumanhin, ngunit wala akong ideya na siya ay nagdadalang-tao pala, Kamahalan" Malamig kong sagot sa kanya.

"Nagbago ka na, Yiren" wika niya na nag-udyok sa akin para tignan siya.

"Matapos mo akong pagbuhatan ng kamay nang hindi man lang pinapakinggan ang aking dahilan, ikaw pa ang may lakas ng loob na magsabing nagbago ako?" Pasuya kong wika sa kanya.

Bumalakat sa mukha niya ang pagkalito dahil sa aking tinuran.

"Minsan ko nang sinambit sa iyo na kung sino man ang magtatangkang saktan si Yonghuang ay hindi ko na mapapalagpas pa kagaya noong unang ginawa mo sa ministrong nagtangka sa aking anak." Pagpapatuloy ko.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon