46 | Pagbalik sa Realidad

272 16 4
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mata. Nang imulat ko nang tuluyan ang aking mata ay nakita ko sa aking tabi si Seiya.

Nakatitig lamang siya sa aking mukha at nang mapansin niya na gising na ako ay ngumiti siya sa akin at nagsalita.

"Hinintay kitang magising, Yiren"paunang wika niya.

"B-bakit naman, may nangyari ba?"tanong ko sabay dahan-dahang bangon mula sa higaan.

"Wala naman, ngayong araw ko susuriin ang mga kaganapan dito sa Kapitolyo at hindi kita maaring isama kaya naman hinintay kitang magising upang makapagpaalam ako sa iyo ng maayos"kalmadong wika niya.

Hindi naman ako nalungkot at agad ko namang naintindihan ang kanyang nais ipahiwatig dahil isa akong bahagi ng harem at hindi ako pwedeng makilahok sa politika. Iyan ang isa sa mga batas ng harem na siyang sinusunod naming lahat.

"Naiintindihan ko, mag-iingat ka Seiya"wika ko sabay halik sa kanyang pisngi. Deadma na kung wala pakong mumog-mumog hahahaha.

Napangiti naman siya at saka ako hinalikan ng saglit sa labi at siya ay tumayo na at bago makalampas sa pintuan ay lumingon muna siya ulit kaya kumaway ako bilang tanda ng pamamaalam sa kanya.

Tinawag ko sina Rin at Rai upang tulungan akong mag-ayos ng sarili bago bumaba at maghanap ng maari kong gawin dahil wala akong maisip na pwede kong gawin ngayong huling araw ng aming pananatili rito sa aming tahanan.

Gabi kami aalis mamaya upang makapagpahinga kami at makabalik sa aming mga regular na gawain sa kaharian at para hindi kami mahalata lalo na ako.

Nang makarating ang dalawa sa aking silid ay agad nila akong tinulungan na mag-ayos at ngayon ay nakakulay maroon akong kasuotan na tinernohan ko ng mga bagong bili kong palamuti at saka ako nagkulay sa aking labi ng pula rin.

Kung hindi niyo pa alam ay may parang lipstick na sila rito ang kaso nga lang ay sa manipis na papel ito nakalagay at kailangan mo itong ipitin sa gitna ng iyong dalawang labi upang kumatas ang kulay.

Tiningnan ko ang aking sarili ngayon sa salamin at ang masasabi ko lang talaga ay: Ganda mo veh! Pak! hahahaha.

Bumaba na ako kasama ang dalawa at nakita ko si Ina na nagbibilin sa isang tagapagsilbi at parang may pupuntahan yata siya kaya naman nilapitan ko siya.

"Pagbati, Ina"wika mo sabay yuko.

"Yiren, kamusta ang iyong tulog anak?"malambing na tanong ng aking Ina.

Bigla kong naalala ang aking tunay na Mama na laging ganito rin ang bungad sa akin sa umaga. Mag-iisang taon ko nang hindi nakikita ang aking Mama kaya namimiss ko na talaga siya.

"Yiren?"tanong ni Ina sa akin na nagpabalik sa akin sa katinuan.

"Ah maayos naman ang aking naging pagtulog, Ina"agad kong sagot.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon