Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Natupad ngayong gabi ang aking nais na mailipat si Han ng tirahan at ngayon nga ay magkasama na kami dito sa Changchungong at tiyak ako na masaya din si Han.
Naging mahaba ang araw na ito lalo pa't maraming nangyari at naparusahan na nga ang dalawang Daying na mukhang isda din naman talaga charothahahahah.
Ngayon ay nandito na ako sa aking higaan ngunit di pa din ako makatulog lalo pa't tinitigan nanaman ako ng Kamahalan at hindi ko alam kung bakit sa tuwing tititigan niya ako ay iba ang epekto nito sa akin.
Talaga naman kasing napakagandang lalaki ng Kamahalan at siguro kung nasa modernong panahon lamang kami ay isa siyang sikat na sikat na artista.
Nakailang tagilid na ako at hindi pa din ako dinadatnan ng antok kaya naman tumayo muna ako at nagtungo sa bintana upang tignan kung abot-tanaw ko ba ang buwan mula rito sa aking kinatatayuan.
Nais ko lamang pagmasdan ang buwan dahil kung nasa modernong panahon ako siguro ay nagcecellphone lang ako at nagsscroll sa aking feed hindi kagaya dito na walang masyadong mapaglilibangan kaya hirap akong makatulog ngayon.
Tanaw na tanaw ko nga ang buwan mula dito at napakaganda nitong pagmasdan kaya naman tinitigan ko lamang ito sa loob ng ilang minuto at nang maramdaman kong dinadalaw na ako ng antok ay bumalik na ako sa aking kama.
Agad akong humiga at saka ko na pinikit ang aking mata upang tangayin na ako ng antok. Habang nakapikit ay pumasok nanaman sa isip ko ang larawan ng Kamahalan at napangiti na lamang ako at tuluyan na nga akong nakatulog.
K I N A B U K A S A N
Ginising na ako ni Rin dahil pupunta pa kami sa Yikungong ngayon upang bumati sa Huangho kaya naman pagkatayo ko ay pinapuntahan ko kay Rai si Han upang sabihan siya na puntahan ako kapag tapos na siyang mag-ayos.
Pumasok na ako sa silid-paliguan upang maligo syempre hahahaha. Sandali lang ang aking itinagal sa tubig dahil naligo naman ako kagabi.
Agad akong tinulungan ni Luyun at Rin na magpatuyo ng katawan at tinulungan din nila ako sa pagsusuot ng aking panloob at ng maisuot kona ang aking kasuotan ay saka na nila ako inalalayan patungo sa aking salamin upang mag-ayos ng sarili.
Sinuklayan nila ang aking buhok gaya ng nakagawian at nang maiayos na nila ito ay ako na ang namili ng mga palamuti na aking ilalagay ngayon.
Matapos kong mag-ayos ng aking sarili ay ilalagay kona sana ang aking mga pananggalang sa kuko nang biglang pumasok si Han sa aking silid.
"Yiren, handa na ako"wika niya sabay yuko sa akin bilang tanda ng kanyang paggalang.
"Oh kamusta ang iyong pagtulog kagabi Han?"tanong ko.
"Higit na mahimbing ang aking tulog kagabi kaysa sa mga nagdaang araw Yiren, maraming salamat sa iyong tulong"sagot niya at ngumiti sya sa akin.
"Wala iyon, halika na at baka mahuli tayo sa pagbati"yaya ko sakanya dahil nailagay kona ang mga pananggalang ko sa kuko.