24 | Bintang

389 23 2
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

"Niangniang"wika ng kung sino at dahil doon ay iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Luyun na nasa aking harapan.

"Luyun, may nangyari ba?"tanong ko.

"Nakatulugan niyo na po ang pagbabasa at gabi na din po kaya magpahinga na po kayo"wika niya.

"Ganoon ba, sige at samahan mo ako na magpunas ng aking katawan saka ako matutulog"sagot ko.

Agad naman niya akong inalalayan patayo at sinamahan ako sa silid paliguan upang makapagpunas na ako at maya maya ay makatulog na din.

Naabutan ko doon ang ilang mga tagapagsilbi na naglalagay ng gatas sa aking paliguan at nang matapos sila ay pinaalis na sila ni Luyun at nang mawala sila ay sinimulan ko nang maghubad at tinulungan na ako ni Luyun na magpunas.

Nagtagal ng ilang minuto ang pagpupunas ko lalo pa't nagbabad din ako sa tubig na may gatas para mamaya ay hindi kona ibababad ang aking kamay at paa dahil nais ko nang matulog lalo pa't bukas ay babati nanaman kami sa Huangho at ayokong mahuli.

Natapos na ako sa pagpupunas at nasuot ko na din ang aking pantulog at saka ako inalalayan ni Luyun sa pagsusuklay at matapos nga iyon ay nahiga na ako at tuluyan na akong nagpatangay sa antok.

K I N A B U K A S A N

Kagaya ng nakasanayan ay lumipas ang araw na wala naman akong masyadong ginawa dito sa palasyo kundi ang bumati sa Huangho araw araw at kung hindi magbasa ay maghahabi nalang ako para mapatay ang oras.

Ngayon ay kababalik ko lamang sa aking palasyo nang bigla kong maalala na hindi nga pala maaring gumamit ng pulang uling si Han dahil isa lamang siyang Changzcai kaya naman inutusan ko si Rin na magpasama sa mga Eunuch at ihatid kay Han ang ilang mga pulang uling upang kanyang magamit.

Naawa lang ako sa kanya dahil sa kanyang mababang posisyon ay napagkakaitan siya ng mga magagandang bagay na dapat ay meron din naman siya lalo pa't miyembro din naman siya ng harem.

Agad na tumalima si Rin at hinatid na nga nila ang uling kay Han kaya naman nagpahanda na ako ng makakain lalo pa't ipapagpatuloy ko ang binabasa kong libro kagabi.

Nagbasa lamang ako ng nagbasa para patayin ang oras at hindi ko namalayan na gabi na pala ulit at tila ba napakabilis ng oras ngayon kaya naman napagpasyahan ko na maglibot ngayon sa hardin lalo pa't sigurado kong walang tao ngayon doon kasi gabi na.

Agad kong pinaghanda si Luyun dahil siya ang kasama ko ngayon at pinaiwan ko muna ang dalawa para magpahinga.

Nang makapaghanda na si Luyun at ang mga tagapagsilbi ay agad na kaming umalis at nagtungo sa hardin upang mamitas ng ilang mga bulaklak na pwede kong ilagay sa aking paliguan mamaya at sa mga susunod pang araw.

Inabot din ng ilang minuto ang paglalakad patungo sa Hardin mula sa aking palasyo kaya naman nang makarating kami sa hardin ay laking tuwa ko dahil sa wakas ay walang mga sagabal ngayon hindi katulad noong unang beses kong nagtungo rito.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon