41 | Siya na Hindi Nakalimot

333 20 3
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Patuloy kong dinama ang pagpatak ng ulan sa aking katawan habang nakapikit at nagmumuni-muni.

Nang bigla na lamang may magsalita kaya naman napadilat ako.

"Tama nga ang ating anak, dito kita matatagpuan" wika ng kamahalan na nakatayo malayo sa akin.

"K-kamahalan! Kanina ka pa ba nariyan?"tanong ko.

Naglakad siya palapit sa akin at saka niya ako sinagot.

"Ilang minuto na akong nakatayo sa aking pwesto ngunit hindi mo pa rin napapansin"sagot niya.

Sasagot sana ako nang bigla kong mapansin na parehas kaming basa na ang kasuotan at buong katawan.

"Bakit ka nagpaulan, Kamahalan!?"aligagang tanong ko.

"Ang aking Fei ay maaring magpaulan, samantalang ako ay hindi?"wika niya.

"Kamahalan naman eh! Hindi ka maaring magpaulan sapagkat mahalaga ang kalusugan mo."nag-aalalang wika ko.

Bigla siyang natawa bago magsalita.

"Nag-aalala ka sa aking kalusugan, ngunit ang iyong sarili ay hindi mo inaalala?"turan niya.

"Hmmp, bakit ba kasi nagtungo ka rito?"wika ko sabay talikod.

"Bago lumubog ang araw ay nasa iyong palasyo na ako at naghintay ako ng ilang oras para lamang sa wala."salaysay niya.

"Mabuti na lamang at dumating si Yonghuang at naisip niya ang lugar na isang beses niya pa lamang napuntahan kasama ka kung hindi ay baka ipinahalughog na kita sa buong kaharian."patuloy niya.

Napayuko naman ako sa hiya. Shemz gumawa pala ako ng eksena without knowing it myself.

"Nais ko lamang na mapag-isa at mag-isip-isip kaya nagtungo ako rito"wika ko.

"Yiren"malambing na wika ng Kamahalan at nagulat ako ng kinuha niya ang aking kamay.

Kapwa malamig ang aming mga palad pero sa hindi ko mawaring dahilan ay naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal charottt.

Naramdaman ko ang init ng kanyang palad kaya naman tumingin ako sa kanya at siya naman ay nakatitig din ng mariin sa aking mga mata.

"Alam kong hindi ka natuwa sa aking ginawa nang huli tayong mag-usap ng matino kaya naman narito ako sa iyong harapan ngayon para hingin ang iyong kapatawaran."wika ng Kamahalan.

"Wala ka namang pagkakamali, Kamahalan ako ang nakalimot sa aking posisyon at humiling ng isang bagay na higit sa aking limitasyon. Ipagpaumanhin mo ang aking naging aksyon"wika ko sabay yuko.

"Yiren, naiintindihan ko ang iyong nararamdaman kaya naman upang makabawi ako sa iyo ay naglabas ako ng isang utos kanina sa sesyon ng korte."wika ng Kamahalan.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon