57 | Pagmamataas at Leksyon

311 25 7
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Lumipas muli ang mga araw at ngayon ay nakaupo lamang ako sa tapat ng hardin sa aking palasyo at pinagmamasdan ang mga paro-paro na kay titingkad ng kulay at malayang nakakalipad sa mga bulaklak at iba pang mga halaman.

Ilang araw ko na rin itong ginagawa sapagkat dito ko lamang nararamdaman ang kapayapaan habang nagbabasa ako ng libro o minsan kaya ay tumutugtog ng aking plawta.

Nitong mga nagdaang araw na hindi maganda ang lagay ng relasyon namin ni Seiya ay mas pinagbuti ko ang pagbibigay ng atensyon kay Yonghuang at sa aking sarili na rin.

Kung ako ay inyong tatanungin, hindi rin naman nagtatangka si Seiya na kausapin pa ako o kumustahin man lang matapos ang aming pagtatalo kaya hindi rin ako nag-aabala na magpapansin sa kanya lalo pa at hindi ko nais na palaging ako na lamang ang gumagawa ng mga hakbang upang magkaayos kami.

Madalas akong mapag-isa ngayon sapagkat inuutusan ko sila na iwanan akong mag-isa para makapagrelax naman ako no! Nakakastress kaya ang makipag-usap kay Rai at Rin ngayon dahil ang hirap nilang makaintindi at mababaliw lang yata ako kapag nakipag-usap pa ako sa kanila ng matagal.

Nitong nakaraang araw ay pinaalala sa akin ni Rin na nalalapit na pala ang aking kaarawan at malapit na rin mag-isang taon mula noong ako ay pumasok dito sa kaharian at maging isang Pinfei.

Nais ko na magkaroon na lamang kami ng simpleng salo-salo dito sa aking palasyo kung saan walang tagapagsilbi at walang chúza kung hindi lahat ay pantay-pantay at nagkakasayahan.

Isasarado ko na lamang siguro ang aking palasyo sa araw ng aking kaarawan upang makapag-saya kami ng matiwasay at maidaos ang aking kaarawan ng mapayapa.

Tahimik lamang akong nagmumuni-muni nang bigla kong maisip na nais kong puntahan sina Yonghuang at Han na kasalukuyang nasa silid-aklatan ng kaharian upang hanapin ang mga kasagutan sa takdang-aralin ni Yonghuang.

Kaya naman tinawag ko si Luyun upang ipahanda ang aking sedan at nang mapuntahan ko na ang dalawa at makisali sa bonding nila hahahaha.

Nang makalapit sa akin si Luyun ay nagbigay na ako ng utos na ihanda ang sedan at maghanda rin ng mga makakain para sa dalawa dahil siguradong pagbalik pa nila rito sa palasyo sila kakain kaya mas maganda na dalhan na lamang namin sila.

Lumapit na rin sa akin sina Rin at Rai na nagsimula na namang magtanong kaya napabuntong-hininga muna ako bago magsasasagot sa mga katanungan niya.

"Niangniang, para saan ang mga pagkain na iyong ipinahanda?"isa lamang yan sa mga katanungan nya.

"Rai, para saan ba ang pagkain? Hindi ba't para sa sikmura?"napapapikit kong sagot sa kanya.

"Ngunit, niangniang ikaw lamang ang kakain at napakarami ng inihanda nila, baka sumakit ang inyong tiyan."wika niyang muli.

"Alam mo, Rai kapag di mo pa ako tinigilan ay sisikmuraan na kita"nalolokang wika ko na sa kanya.

Agad namang natawa si Rin at nagtago si Rai sa likod niya.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon