Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Jasper/Yiren
Habang kumakain kami ay may dumating na babae at agad na pumunta sa lamesa na kinaroroonan namin.
"Amo, mabuti at gising na po ang Ginoo!"wika nito sabay tabi kay Yuri.
"Mabuti nga at nagising na din ang kapatid ko Rai"sagot ni Yuri.
Dahil sa hindi ko siya kilala ay tinanong ko ang pangalan niya.
"Sino ka? At bakit ngayon lang kita nakita?"wika ko na ikinatawa nito.
"Nako! Mukhang nakalimot nga ang Ginoo. Ako po si Rai, tagapaglingkod ng inyong kapatid, kagaya rin po ako ni Rin na kinuha ng inyong Ama at Ina para pagsilbihan kayo."sagot niya sa akin.
Kung ganoon ay mayaman nga ang pamilya ni Yiren dahil kaya nilang kumuha ng mga tagapagsilbi at tig-isa pa talaga ang magkapatid na ito.
"Kanina pagkagising ko ay narinig ko sa labas na tuwang-tuwa sila na ako'y nagising na. Bakit ba ganoon ang mga reaksyon nila? At nasaan si Ina at Ama?"sunod-sunod na tanong ko sa kanila.
"Kahapon po kasi ay umalis tayo upang manguha ng mga halaman na inyo sanang gagamitin para sa paggawa ng gamot ng ibang tauhan dito sa tahanan ninyo. Habang naghahanap po tayo ay nakakita kayo ng isang lawa at sinabi mo na gusto mo munang magtampisaw at napakainit ngayon."
"Sinabi mo na bumalik muna ako sa inyong tahanan para ikuha ka ng masusuot pagkatapos mong maligo sa lawa ngunit sa aking pagbalik doon ay hindi na kita nakita kaya kinabahan ako at nanghingi na ng tulong. Mabuti na lamang at may mga nagmagandang loob na tulungan ka at nang sumisid na sila ay nakita nila ang katawan mo sa ilalim ng lawa na katabi ng isang tibak ng bato. Agad ka nilang isinisid pataas at doon ay nakita namin na mayroong dugo na nanggagaling sa iyong ulo kaya agad akong nagpatulong para bitbitin ka pauwi at maipagamot ang iyong ulo."
"Pagkarating natin dito ay nagpatawag agad ang iyong ama ng manggagamot para tignan ang kalagayan mo ay doon nga ay sinabi nito na maaring nabagok ang iyong ulo sa bato na iyon na siyang magiging sanhi ng pansamantalang pagkawala ng iyong memorya."mahabang salaysay sa akin ni Rin.
"Gusto ko din pong humingi ng paumanhin sa iyo Amo dahil hindi kita nagawang bantayan doon."muling wika nito.
"Wala ka namang kasalanan doon dahil ako ang nag-utos sa iyo at sa ngayon ay tulungan niyo na lamang ako na maibalik ang memorya ko."sagot ko sakanya na sinang-ayunan nila Yuri at Rai.
"Magsimula tayo sa mga impormasyon tungkol sa iyo."wika ni Yuri.
"Ikaw si Yiren, anak ni Zhao na Punong Ministro ng Kagawaran ng Pagsasaliksik at ni Mira na mula sa isang aristokratong pamilya dito at isa din sa pinakamagagandang babae na nasilayan ng buong Kapitolyo kung kaya't marami ang naiinggit sa ating pamilya dahil sa impluwensya ng ating mga magulang."