20 | Han Changzcai

479 20 10
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Naglakad kami pabalik sa aking palasyo at nang makarating kami ay agad akong nagpahanda ng makakain at inumin para sa aming pag-uusap.

Pumasok na kami sa palasyo at pinaupo ko sila sa bulwagan ng aking palasyo.

"Maupo na kayo"wika ko.

"Salamat, Yiren"sagot ni Yang.

Nakita kong nagulat si Han Changzcai kaya naman agad akong nagsalita.

"Tawagin nyo na lamang ako sa aking ngalan kung tayo-tayo lamang ang magkakausap dahil ayoko na palagi akong tinatawag na kamahalan lalo pa't nakapalagayan ko naman kayo ng loob."wika ko.

"Masusunod niangniang"sagot ni Han Changzcai.

"Tawagin mo akong Yiren at tatawagin din kita sa iyong ngalan maaari ba iyon?"tanong ko.

"Maari naman ah eh Yiren. Tawagin mo na lamang akong tawaging Han kung nais mo"nahihiyang sagot niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang dumating si Kim Guiren.

"Pagbati, Yi Pin Niangniang, Yang Guiren, Han Changzcai"wika niya at tumayo din ang dalawa para magbigay ng paggalang sa isa't-isa.

"Mabuti naman at narito kana"wika ko habang nakangiti.

"Niangniang, ano ba ang nangyari at napabalik ka sa iyong palasyo ngayon?"tanong niya.

"Tawagin mo na lamang akong Yiren at tatawagin kita sa iyong ngalan"wika ko.

"Masusunod Yiren"wika niya sabay ngiti kaya nagsimula na akong magkwento ng mga naganap kanina.

"Kanina habang patungo kami sa hardin ay nakarinig kami ng ingay at nang puntahan namin ang pinanggalingan ng ingay ay nakita ko si Ji Guiren na pinaparusahan si Han sa isang kasalanan na hindi naman mangyayari kung hindi dahil sa kanya kung kaya't pinarusahan ko siya na lumuhod sa hardin sa loob ng labing anim na oras upang magtanda siya sa kanyang kasalanan"wika ko.

"Ikaw lamang ang nakagawa niyan Yiren, kilala si Ji Guiren sa kanyang ugali na abusuhin ang kapangyarihan niya para pahirapan ang iba."wika ni Kim.

"Bakit naman pinapabayaan siya na ganoon?"tanong ko.

"Dahil ang ama niya ay nasa mataas na katungkulan kung kaya't malakas ang loob niya na gawin ang mga bagay na iyon lalo pa't kakampi niya si Shin Pin na isa pang kaugali niya."sagot ni Yang na naiinis.

"Kung gayon ay tama lamang na parusahan ko siya kanina pero bakit walang iba na nagawang parusahan ang babaeng iyon?"tanong ko.

"Dahil kahit na kaparehas namin sya ng ranggo ay nanggaling pa din siya sa maimpluwensyang pamilya na kanyang sandalan upang makagawa ng mga ganoong bagay"sagot ni Kim.

"Palagi niyang pinagdidiskitahan si Han lalo pa't siya ang may pinakamababang ranggo sa harem kung kaya't pinagkakatuwaan siya ng ilan pang mga miyembro ng harem"wika ni Yang.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon