38 | Muqin

357 22 1
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

"Pagdating ng Kamahalan" anunsyo sa labas ng aking palasyo.

Lahat kami ay nagsipagtayo mula sa aming mga upuan at sabay sabay na nagsipagluhod upang magbigay-pugay sa Kamahalan.

Pagpasok ng Kamahalan ay sabay-sabay kaming nagsibati.

"Pagbati, Kamahalan"wika naming lahat.

"Mianli"sagot ng Kamahalan.

"Kamahalan, katatapos lamang ng koronasyon ni Yi Fei mabuti at nakahabol pa kayo"wika ng Huangho.

"Katatapos lang ng koronasyon kung kaya't narito ako upang sabihan kayo na magsibalik na sa inyong mga palasyo upang makapagpahinga si Yi Fei"utos ng Kamahalan.

"Masusunod, Kamahalan"wika ng Huangho na sinundan ng ibang Pinfei.

Nang matapos silang lumisan ay niyaya na ako ng Kamahalan patungo sa silid kainan.

Hawak niya ang aking kamay patungo roon kaya naman hindi ako nagsalita at hinayaan siya na tangayin ako papunta sa silid.

Nakapagtataka ang ikinikilos nito dahil kanina pa ito nakangiti sa akin at inalalayan pa ako nito sa aking pag-upo.

Nakahanda na sa lamesa ang mga pagkain na hinihintay na lamang kaming dalawa.

Bago kami magsimula ay nagsalita na ito sa akin.

"Kanina pa ako nakangiti rito ngunit hindi ko pa naririnig mula sayo ang pasasalamat para sa pagtaas ng iyong posisyon"wika nito na nagpatawa sa akin.

"Kaya naman pala iba ang pakiramdam ko kanina pa hahaha ikaw talaga"sagot ko.

"Mamaya ay sisiguraduhin ko na nasa akin ang huling tawa"wika nito na parang banta na rin sa akin.

Nagsimula na kaming kumain nang biglang dumating si Yonghuang at bumati sa aming dalawa.

"Pagbati, Huang Ama, Muqin"bati nito na nagpalaki ng aking mata at napatingin ako sa kanya.

"Yonghuang, ano ang iyong itinawag sa iyong Ina?"tanong ng Kamahalan.

"Muqin"sagot nito.

"Bakit naman ganoon na ang iyong tawag sa iyong Ina?"tanong muli ng Kamahalan.

"Dahil naisip ko na si Yi niangniang na ang aking bagong Ina rito sa kaharian kaya naman marapat lamang na igalang ko siya at ipakita sa kanya ang aking pagrespeto Ama"sagot ng bata na nagpangiti sa akin.

"Mabuting bata, hindi ako nagkamali na sa iyong Muqin ka mapunta. Nakikita ko ang magandang resulta nito."wika ng Kamahalan habang tinatapik ang balikat ng anak.

"Yonghuang, halika na at sumalo ka sa amin ng iyong Huang Ama"paanyaya ko sa aking anak na malugod nitong tinanggap kaya naman pumwesto ito sa gitna naming dalawa ni Seiya na nakita kong napasimangot kaya natawa ako.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon