•Jasper
KINABUKASAN
Nagising ako sa kalampag ni Mama sa pinto ng kwarto ko.
"Jasper!!! Anong oras na ikaw talagang bata ka!"
"Gising na po! Ang aga mo mangalampag Ma"
"Aba tanghali na kumilos kana jan at may pasok kapa"
"Sige po! Mag-aayos napo ako"
Matapos iyon ay nagtungo muna ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush.
Bumaba na ako at nakita si Mama na kumakain na kaya umupo na din ako at sumabay sakanya.
"Oh nak, pagkatapos ko dito ay ikaw na ang bahala ha! Di ako pwede malate ngayon at may meeting ako ngayong araw"
"Sige po Ma! Ako na magliligpit neto pagkatapos"
Nagpatuloy kami sa aming pagkain at nagkwentuhan pa sandali bago umalis si mama.
"Nak, aalis nako ha! Wag mo kalimutan maglock mamaya pag pasok mo. Mag-iingat ka Love you!"
At umalis na nga sya.
Nanood muna ako ng TV para patayin ang oras. Hindi ko na napansin ang oras at isang oras nalang pala ay 1:00 na!!!
Malalate nako!!!
Agad akong napatakbo sa kwarto ko para maligo na at maghanda dahil mabagal ako kumilos kaya madalas ako paalalahanan ni Mama na wag kukupad-kupad.
25 minutes nalang at 1:00 na nang matapos akong maligo kaya binilisan kona ang pagbibihis at konting ayos at pabango nalang muna ang ginawa ko para hindi ako mahuli sa klase.
Matapos kong macheck ang mga nakasaksak at mailock ang gate ay halos lakad takbo na ang ginawa ko para makaabot sa klase kasi terror ang prof sa first subject namin ngayon.
Nang makarating sa school ay dumiretso agad ako sa room para lamang makita ang mga nag-iingay kong kaklase.
"Oh bakit hinihingal ka Jas?" tanong ni Emman, isa sa mga kaclose ko dito sa room.
"Kaya nga, pero bakit ganon kahit pawis kana ay fresh ka padin huhuhu" sabat naman ni Ron, kaklase ko din.
"E kasi naman natuwa ako sa kakanood sa TV kaya ayun 12 na pala saka lang ako natauhan at kumilos"
"Gaga ka talaga hahaha! Bakit kapa nagmadali e wala naman daw si Prof ngayon kasi may lalakarin daw"sabi ni Niel, kaklase ko ulit.
"Ha!!! Bakit di nyo naman ako sinabihan!"pagmamaktol ko sa kanila dahil napagod ako dun sa pagtakbo ko.
"Haynako! Nag-announce ako sa gc natin di ka nagsiseen"sabi ni Lloyd, President namin.
"Kaloka nakalimutan ko magbasa kakamadali ko"
BINABASA MO ANG
The Palace's Secret
Historical FictionAnong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana? Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan? Samahan si Jasp...