Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Zichu
Hindi ko alam ngunit tila ba ayaw pa umalis ng aking katawan sa kaharian ngayong gabi kaya naman hindi ako mapakali at lumabas muna ako mula sa kagawaran upang magpahangin.
Sa aking paglalakad ay napadpad ako sa isang pasilyo ng kaharian kung saan nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak patungo sa akin kaya naman nagpasya akong tignan ito at sa aking gulat ay nakita ko ang indibidwal na siyang tumangay sa aking puso.
Ang indibidwal na alam kong nasaktan ko dahil sa aking pagiging makasarili. Inaamin ko na sa tagpong iyon kung saan inabisuhan ako ng aking ama na ako ay ikakasal sa isang babae ay wala akong nagawa at hindi na rin ako humanap pa ng paraan upang makawala rito dahil inakala ko na kahit magkagayon pa man ay hindi aalis ang itinatangi ng aking puso mula sa aking tabi.
Ngunit mali ako, nasaktan ko ang taong ibinigay ang kanyang busilak na puso sa akin. Nang makita ko siyang umiiyak sa pamilihan na isa sa mga espesyal na lugar para sa akin sapagkat dito nagsimulang mabuo ang pagtingin ko sa kanya.
Kasabay nang pagtulo ng mga patak ng tubig mula sa kalangitan ay siyang pagbuhos naman ng masaganang mga luha mula sa kaniyang mga mata na siyang nagbigay ng pangamba at malabis na kalungkutan sa akin.
Inakala ko na maipapaliwanag ko sa kanya ng maayos ang naging sitwasyon ko ngunit nagkamali akong muli sapagkat ang itinatangi ko ay lubha nang nasaktan at ako ang dahilan nito.
Pinalipas ko ang oras upang palamigin ang kaniyang ulo nang sa gayon ay makapagpaliwanag ako sa kaniya ngunit sa paglipas pala ng oras na iyon ay nakapagpasya na siya na lumayo sa akin.
Mula sa malayo ay pinagmasdan ko ang taong nagmamay-ari ng aking puso na suot-suot ang kanyang magarbong pulang kasuotan at ang mga gintong palamuti sa kanyang buhok. Napangiti na lamang ako dahil sa isip ko ay ako sana ang pupuntahan at makakasama habang buhay ng pinakamamahal ko kung hindi lamang ako naging kampante masyado.
Kung hindi lamang sana ako natakot sa aking ama ay sana masaya rin ako ngayon at hindi tulad nito na pinapanuod ang aking pinakamamahal na sumakay sa kanyang magarbong karwahe patungo sa kaharian.
Pinagmasdan ko ang aking pinakamamahal na si Yiren, papalayo sa aking mga mata at paningin dala ang aking puso at damdamin.
Nang makarinig ako ng isang pagbagsak ay nabalik ako sa ulirat at nakita nga si Yiren sa aking harapan na nakasalampak kaya naman madali akong lumapit sa kanya upang tulungan siya.
Nung una ay tumanggi pa siya sa akin ngunit batid ko na sa unang pagtingin ko pa lamang sa kanyang itsura at mukha ay mukhang pagod ito at galing sa matinding pag-iyak.
Sa taas pa ng kanyang sapatos at sa kanyang ginawang pagtakbo at tiyak na masakit na ang kanyang paa kaya ipinasan ko na siya sa aking likuran at wala na itong magawa kung hindi ang magpaubaya na lamang.
Habang pasan-pasan ko siya sa aking likod ay wala na akong narinig pa kaya masaya ko na lamang siyang dinala sa Kagawaran ng Pagsasaliksik.
Noong mga panahong malapit pa kami sa isa't-isa ay hindi namin ito nagawa sapagkat si Yiren ay may malakas na loob at isang pagkatao na hindi handang humingi ng tulong sa iba.