Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Napahiga na lamang ako kasama niya sa aking higaan.
"Huwag kang mag-alala Yiren, nais ko lamang magpahinga sa tabi ng aking Ai Fei"sagot niya.
Napatitig ako sa kanya dahil dito at saktong pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din siya sa akin at tila ba binabasa niya ang aking buong pagkatao.
Unti-unting lumapit ang aking mukha sa kanya hindi para halikan siya kung hindi para idikit ang aking ilong sa kanya.
Nose to nose ganern!
Natawa siya sa aking ginawa at ilang sandali lamang ang lumipas ay nasa bewang ko na ang kanyang kamay at pagkatingin ko sa kanya ay payapa na siyang nakapikit.
Hinayaan ko lamang siyang magpahinga dahil alam kong kaakibat ng kanyang posisyon ang lahat ng mga tungkulin at obligasyon sa buong imperyo.
Siya lahat ang nangangasiwa at namumuno sa mga bagay na kailangang pagtuunan ng pansin dito sa kaharian kaya naman alam ko ring napapagod din siya.
Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang mukha at taimtim siyang pinagmasdan dahil ni minsan hindi ko inakala na magkakaroon ako ng boyfriend sa kasalukuyang panahon dahil nga hindi pa ako handa at marami pa akong kailangang unahin.
Pero tignan niyo naman ngayon sa ibang panahon hindi lamang kasintahan ang mayroon ako. Sinong mag-aakala na magkakaroon ako ng asawa na siyang pinuno pa ng isang imperyo.
Isang asawa at pinuno na tapat sa kanyang mga tungkulin sa mga mamamayan pero hindi nakakalimutan ang kanyang pamilya.
Sa kakaisip at kakatitig sa mukha ni Seiya ay hindi ko namalayan na ako ay nakatulog na rin.
PAGLIPAS NG ILANG ORAS
Naramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi kaya naman naalimpungatan na aki at nagmulat ng aking mga mata.
Natagpuan ko si Seiya sa aking harapan na tahimik akong pinagmamasdan na tila ba ako ay isang kayamanan na kanyang nahahawakan. (Napaka-feelingera ko hahahahaha)
"Yiren, mabuti at nagising ka na"wika niya.
"May nangyari ba?"tanong ko agad.
"Wala naman hahaha, nais ko lamang na sabay tayong kumain kaya't hinintay talaga kitang magising"natatawang wika niya.
Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang tumawa pero napaka-gandang tanawin nito para sa akin. Sapagkat madalang mo lamang masasaksihan ang Kamahalan na tumatawa ng hindi iniisip ang kanyang kapaligiran.
Kadalasan ay seryoso lamang siya at tanging ngiti lamang niya ang nakikita ng karamihan kaya naman talagang natutuwa ako dahil alam kong komportable siya ngayon.