•Yiren
Naglalakad na kami ni Rin pabalik sa aming tahanan at ngayon ay basang-basa na nga kami at tila wala ring balak na tumigil ang ulan dahil patuloy lamang itong lumalakas.
Narating na namin ang pamilihan at kaunting lakad na lamang ay makakauwi na kami ni Rin.
Nang biglang may humablot sa kamay ko kaya napaharap sa direksyon ng humablot sa akin.
Pagkaharap ko sa may-ari ng kamay na humablot sa akin ay lalo lamang akong naiyak dahil ngayon ay kaharap kona ang taong dahilan ng pag-iyak ko ngayon.
Oo si Zichu.
Suot-suot niya pa din ang pulang kasuotan niya na kasalungat ng aking asul na kasuotan ngayon.
Kahit nanghihina ako ngayon ay pinilit ko paring tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko. Binalik lang niya ang hawak niya sa akin kaya naman nagpumiglas lang akong muli sa kanya.
"Ginoong Zichu, pakiusap bitawan mona ang Amo ko. Kailangan na niyang umuwi ngayon."wika ni Rin sa tabi ko.
Salamat naman at nagsalita na si Rin dahil tila napipi na ako ngayon na kaharap ko si Zichu na kanina lamang ay nakita kong makipag-isang dibdib.
"Kailangan ko muna siyang kausapin Rin, pakiusap hayaan mo akong kausapin siya."mahinahon na sagot ni Zichu.
"Ngunit..."pipigil pa sana si Rin nang tignan ko siya at tumango ako kaya naintindihan na niya iyon at siya ay lumayo na sa aming dalawa ni Zichu.
"Magsalita ka."wika ko.
"Yiren, hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero maniwala ka sa akin. Hindi ko ginusto ang mga nangyayari ngayon"wika ni Zichu sa akin at nang tignan ko siya ay seryoso lamang siya pero kita ko sa mata niya ang pagsisisi.
Natawa naman ako sa tinuran niya.
"Hindi mo ginusto? Kaya pala hindi mo man lang ako inabisuhan na ikakasal ka na pala para sana ay nakapagpadala ako ng regalo sa iyo."wika ko sakanya.
"Hindi sa ganoon, talagang pinilit ako ni Ama na gawin iyon para sa aming pamilya. Dahil kung hindi ko pakakasalan ang anak ng Ministrong iyon ay mababawasan ang impluwensya ng aming pamilya."sagot niya sa akin.
"Kung ganoon ay bakit hindi mo ako sinabihan!"napataas na ang boses ko dahil nagsisimula na akong mainis dahil sa napakawalang kwentang dahilan niya.
"Dahil alam kong masasaktan ka! At ayaw kong masaktan ka kaya inisip ko na mas maganda kung hindi mo nalang malaman."tumaas na din ang boses niya.
"Pero nasaktan na ako! Hindi mo alam yung pakiramdam na panoorin ang mahal mo na ikasal sa iba. Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan ngayon dahil habang nagdiriwang pala ako ng aking kaarawan ay nagdiriwang ka din ng iyong kasal." Sigaw ko sa kanya dahil hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko na sumabog na.
BINABASA MO ANG
The Palace's Secret
Ficción históricaAnong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana? Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala? Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan? Samahan si Jasp...