Anong gagawin mo kung nahulog ka sa isang balon at paggising mo ay nasa isang hindi pamilyar na lugar kana?
Paano kung malaman mo na nasa ibang katauhan kana pala?
Paano kung malagay ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman inaasahan?
Samahan si Jasp...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•Yiren
Inalalayan ko ang Taihou patungo sa silid kainan upang samahan siya sa pagtsa-tsaa. Hindi naman nagtagal ang paglalakad namin dahil parang nasa kabilang ibayo lang ng palasyo ang silid.
Inalalayan namin sa pag-upo ang Taihou at saka ako umupo sa kanyang tapat habang hinihintay namin ang paglalagay ng tsaa sa lamesa.
"Taihou, maari ba akong magtanong?"tanong ko.
"Yiren, ano ang nais kong itawag mo sa akin?"tanong niya kaya agad akong napangiti ng alanganin.
"Huang E'niang, bakit ninyo ako ipinatawag at bakit niyo ako pinapahintulutan na tawagin kayo sa ganitong paraan?"tanong ko.
"Ipinatawag kita sapagkat nais ko na makasama ka ng tayong dalawa lamang upang hindi mo kailanganing sumunod sa lahat ng batas ng kaharian."sagot niya na ikinapagtaka ko.
"Yiren, nagkaroon ako ng dalawang prinsesa na ngayon ay kapwa na ikinasal sa mga malalayong lugar upang maiwasan ang mga digmaan laban sa ating kaharian. Bilang isang Ina, hindi ko kailanman ninais na mawalay sa aking mga anak lalo pa't sila'y mga babae. Ngunit bilang isang Guifei noong panahon ng aking asawa ay wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang utos ng Namayapang Emperador."pagkkwento ng Taihou.
"Ipinakasal ko ang aking mga anak na babae sa mga malalayong lugar kaya naman ngayob ay labis ang aking pangungulila sa kanila. Aaminin ko sa iyo, nakikita ko sa iyo ang aking bunsong anak na babae kaya sadyang magaan ang aking loob sa iyo."pagpapatuloy ng Taihou.
Bahagya naman akong nagulat dahil sa tinuran ng Taihou. Kung gayon ay hindi lang pala si Yiren ang kahawig ko kung hindi pati na rin ang isang prinsesa.
Ganda ko naman pala masyado charot hahahaha.
"Maraming salamat sa pagsasabi ng dahilan, Huang E'niang, bilang asawa ng inyong anak ay anak niyo na rin ako at masaya ako na gampanan ang mga tungkulin ng isang anak sa inyo."nakangiti kong wika.
Kung iisipin ay mas lalakas ang kapangyarihang hawak ko rito sa kaharian kung nasa akin ang Pagmamahal ng Kamahalan, Proteksyon ng Huangho at ang Pabor ng Taihou.
Sa tingin ko ay walang magtatangka na galawin o magbalak na gawan ako ng masama sapagkat hindi lamang ako ang makakalaban nila.
"Mabuti naman kung gayon, narito na ang tsaa, inumin mo na habang ito ay mainit-init pa"pagsasalita ng Taihou na nagpabalik sa akin.
Ngumiti naman ako at tumango bago simulang inumin ang tsaa. Habang taimtim kong ninanamnam ang tsaa ay may pumasok na tagapagsilbi.
"Taihou, iniimbita kayo ng Huangho niangniang sa Piging mamaya"wika ng tagapagsilbi.
"Hmm"tanging wika ng Taihou at sumenyas ang Gugu sa tabi niya na umalis na ang tagapagsilbi.
"Yiren, hindi pa nila nalalaman na nawawala ka sa iyong palasyo"wika ng Taihou.