45 | Sa Piling ng Dalawang Mundo

277 20 10
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•Yiren

Bumitiw na kami parehas at nang muling magtama ang aming paningin ay kita ko ang labis na kasiyahan sa kanyang mga mata.

Napangiti rin ako dahil dito at saka ako lumapit muli sa kanya para yakapin siya at sabay naming tanawin ang paglubog ng araw habang pinagmamasdan ang tanawin ng buong kaharian na kanyang pinamumunuan.

Tahimik lamang namin itong pinagmamasdan hanggang sa may magsalita sa aming likuran kaya naputol ang aming pagtanaw sa araw at kaharian.

"Xiaoyen, malapit nang sumapit ang dilim, kailangan na nating bumalik"wika ni Schel.

"Naiintindihan ko"wika ni Seiya.

Tumango lamang si Schel at saka tumalikod at naglakad palayo sa amin.

"Seiya, halika na at tayo ay bumaba na"anyaya ko sa kanya.

"Salamat sa pagdadala sa akin dito, Yiren."wika niya habang nakangiti.

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at ikulong sa kanyang mga bisig. Napangiti na lamang ako at yumakap din sa kanya.

"Pangako tayo ay babalik muli rito at tatanawin natin nang magkasama ang paglubog ng araw"wika niya na nagpakabog ng dibdib ko.

"Yiren, ipangako mo sa akin na sa kahit anong paghakbang na aking gagawin ay nariyan ka sa aking tabi at lagi mo akong sasamahan sa pagtahak ko sa iba't-ibang landas ng buhay natin."wika niyang muli na siya naman nagpakalas sa akin mula sa kanyang yakap.

"Seiya, alam mo naman na palagi mo akong kasama at hinding-hindi ako titigil sa aking pagsuporta sa iyo at sa mga desisyon na iyong gagawin ay asahan mo na nasa tabi mo ako at sumusuporta sa iyo"malambing kong wika.

Ngumiti naman siya at saka hinawakan ang aking kamay at sabay na kaming bumaba. Sinalubong kami ng aming mga tagapagsilbi at tunay ngang malapit nang magdilim kaya kailangan na naming magbalik sa aming tahanan para na rin makapagpahinga na si Seiya lalo pa't bukas ay maaga siyang aalis upang isagawa na ang pagsuri sa Kapitolyo na siyang idinahilan niya para lamang mapagbigyan ako sa aking kahilingan na makalabas ng kaharian at madalaw ang aking Ina.

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa Pamilihan at sa aming tahanan nang bigla naming madaanan ang isang tulay kung saan maraming tao ang naroroon at hawak-hawak ang iba't-ibang kulay ng mga parol.

Tinitigan ko lamang ang mga tao at biglang may sumagi sa aking isipan na isang alaala.

Ngayon at narating na namin ang pamilihan at hawak lamang ni Zichu ang aking kamay habang naglalakad kami hanggang sa narating namin ang isang tulay at doon ay nakita ko ang mga tao na nagsisindi ng mga lantern kung tawagin sa modernong panahon.

Abala ang lahat sa kanilang mga ginagawa habang kami naman ni Zichu ay patuloy na naglakad hanggang sa marating namin ang gitnang bahagi ng tulay kung saan naroon ang maraming tao habang nagpapalipad sila ng kanilang mga lantern.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon