29 | Hindi Maiiwasan

391 24 1
                                    

•Yiren

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•Yiren

Kinabukasan ay medyo maayos na ang aking pakiramdam kaya naman napagpasyahan ko na tumungo na din sa Yikungong upang bumati na ulit sa Huangho.

Inutusan ko si Rai na abisuhan si Han na sasabay ako sa kanya sa pagtungo sa Yikungong na agad naman niyang sinunod kaya ngayon ay nandito na ako sa harap ng aking salamin at namimili ng bagong palamuti sa mga na regalong natanggap ko kay Jang Fei.

Habang inilalagay ang aking mga napiling palamuti ay pumasok si Rai kasama si Han sa aking silid at hinintay na niya akong matapos kaya naman minadali kona ang pag-aayos upang hindi siya maghintay ng matagal at para hindi kami mahuli sa pagbati.

Ilang minuto lamang ang lumipas at ngayon ay palabas na kami sa aking palasyo at patungo na sa palasyo ng Huangho.

Nang marating namin ang Yikungong ay naroon na ang lahat at tila kaming dalawa nalang ni Han ang kulang kaya naman pumasok kami kaagad.

Pagkapasok namin ay saktong lumabas din ang tagapagsilbi ng Huangho at sinabihan kami na pumasok na sa bulwagan dahil naroon na ang Huangho.

Agad kaming pumasok sa loob at saka kami sabay-sabay na bumati.

"Pagbati, Huangho niangniang"wika namin.

"Mianli, magsiupo kayo"wika ng Huangho.

"Masusunod, niangniang"muli naming wika.

Agad kaming nagsipagtayo at umupo na kinalaunan at sinimulan na namin ang araw araw na pagtalakay sa mga kaganapan sa Kaharian.

"Yi Pin, mabuti at narito ka nang muli, kamusta ang iyong kalagayan?"tanong ng Huangho.

"Unti-unti nang nawawala ang aking karamdaman niangniang at ramdam ko din na maayos na ang aking lagay kaya naman nagpasya ako na bumati na muli sa inyo"sagot ko.

"Mabuti naman kung ganoon, patuloy kang magpalakas"wika nito sabay bitiw ng isang ngiti.

Sinuklian ko siya ng tangi at ngiti na din.

"Sa susunod na Linggo ay muling babalik sa Kaharian si Zhe Pin kaya naman tayo ay magkakaroon ng piging"wika ng Huangho.

At nagpatuloy ang aming diskusyon tungkol sa iba pang mga bagay at lumipas ang ilang oras. Ngayon ay kalalabas lang namin sa Palasyo ng Huangho.

Ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa aking palasyo ni Han nang bigla kong maalala na baka narito sa Kaharian si Ama dahil nandito sa loob ng Kaharian ang kanilang kagawaran.

Kaya naman napagpasyahan ko na bisitahin siya roon dahil matagal tagal ko na din siyang hindi nakikita at nakakausap.

Sinabihan ko si Han na mauna na sa palasyo dahil may pupuntahan lang ako saglit. Hindi naman siya umangal pa kaya tumungo na kami sa Kagawaran ng Pagsasaliklik at salamat sa tagal ni Luyun dito sa kaharian ay mabilis kaming nakarating doon.

The Palace's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon