"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you, Happy Birthday Hapy Birthday, Happy Birthday to youuuuuu!" Kanta naming lahat. It's my baby's 5th Birthday.
Yes my baby. Si Kobe ang naging bunga ng nangyari samin ni Ynigo. Hindi ko pinagsisihan na binigay sakin si Kobe. Bunga man siya sa maling panahon ay isa parin siyang anghel. Siya ang nagbigay ng lakas sakin ng namatay si Dad 4 years ago.
I named him Bronze Kobe. Para siyang mini Ynigo. Kuhang kuha niya ang pagkapormal ni Ynigo. Palagi siyang seryoso. Kung siya man ay masaya, talagang madadala ka sa emosyon niya. Kung siya ay tatawa, madadala ka rin sa tawa niya. Kuha niya ang mga mata, hugis ng ulo, buhok, kilay, matangos na ilong ni Ynigo. Ang porselanang kutis ko at ang mapupulang labi at pisngi lang yata ang namana niya sakin.
"Make a wish baby!" Ngiti ko. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at ilang segundo lang ang nakalipas ay minulat niya ang kaniyang mga mata at hinipan ang kandila sa kaniyang cake.
Pumalakpak naman ang mga tao sa paligid. Nandito kami ngayon sa bahay. Nagpaparty kami dahil kaarawan nga ng anak ko. Nandito ang mga kaibigan niya, mga guro at si Isaac.
Nagsimula nang kumain ang mga bisita. Ako naman ay pinuntahan si Kobe. Lumuhod ako sa harap niya para maging lebel kami.
"Happy Birthday baby! Here's my gift." Sabay lahad ko ng isang kahon sa harap niya. Sana magustuha niya. Alam kong mahilig siyang kumuha ng litrato kaya ito ang naisip kong iregalo.
Binuksan niya ito at nanlalaki ang mga matang niyakap ako.
"Wow! Thanks mommy! Your the best!" kita ko sa mga mata niya ang saya. DSLR ang regalo ko sakanya.
"You liked it?"
"No. I love it!" sinubukan niya ito at ako agad ang unang kinuhanan niya.
"What's my baby's wish?" Malambing kong tanong. Sa tanong ko ay bigla namang nag iba ang reaksyon niya. Mula sa saya ay lungkot na ang nakita ko sa mga mata.
"What's the problem kobe?"
"Nothing. Thanks for this mom." Binigyan niya ako ng tipid na ngiti bago niya ako tinalikuran. What was that?
Nagtataka akong tumayo. Sinundan ko ng tingin si Kobe hanggang sumulpot sa harap ko si Isaac.
Si Isaac ang naging matalik kong kaibigan. Kailanman ay hindi niya ako iniwan. Sa limang taon na nagkasama kami ay alam ko nang nagpaparamdam siya. Matagal niya na akong sinabihan na gusto niya akong ligawan ngunit panay ang ayaw ko dahil alam kong si Ynigo lang ang gusto ko. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko parin siya.
"Alam mo ba kung ano ang wish niya?"
"Hindi ako sigurado. Isa lang naman ang palagi niyang tinatanong sakin eh." Tumungo siya.
"And what is that?"
"Ang ama niya. Gusto niyang makita ang daddy niya."
Napatulala naman ako sa na realize ko. Kailanman ay hindi nagtatanong si kobe tungkol sa ama niya kaya hindi ko alam na tinatanong niya pala si Isaac. Mabuting kaibigan si Isaac kaya naging close narin sila ni Kobe.
"Palagi niya akong tinatanong kung kilala ko ba ang daddy niya. O kahit larawan man lang basta makita niya ang daddy niya ay okay na sakanya."
Nanggilid ang mga luha ko. I'm sorry baby. Pinagkait ko sayo ang pagkakataong makilala ang daddy mo.
"Siguro oras na rin para makita niya ang ama niya. Kahit tutol ako ay siya parin ang hinahanap ni Kobe."
He's right. Isaac's right. Oras narin siguro na bumalik kami sa Pilipinas.
Pagkatapos ng party ay pinalinis na namin ang mga naiwan na kalat sa kasambahay namin. Naiwan si Isaac dahil gusto niyang kausapin si kobe. Umakyat kami sa kwarto niya at naabutan siyang nakatopless at nakashorts lang habang pinupunasan ang buhok niya.
Ang bilis talagang lumaki ng anak ko. Mahilig na siyang magtopless at nagsisimula narin siya sa healthy living. Najojog siya araw araw sa buong subdivision kasama si Isaac.
Nang napansin ako ni Kobe ay tumigil muna siya sa pagpupunas ng buhok. Nilapitan ko siya.
"Baby, tell me what's your wish." Sabi ko at umupo sa dulo ng kaniyang higaan kung saan siya nakaupo.
"Wala mommy. I'm already contented of what I have now."
Tinignan ko si Isaac at tumango siya sakin. Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Gusto mong makita ang daddy mo?" Kinakabahan kong tanong. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Siguro dahil iniisip ko na baka pagnakilala ni Kobe si Ynigo ay mapapalayo na siya sakin.
Agad siyang napatingin sakin. Nanlaki ang mga mata niya na para bang may sinabi ako na kailanman ay hindi magkakatotoo.
"Talaga mommy?!" Tumango ako bilang sagot. Agad niya ako binalot ng mahigpit na yakap.
"Thankyou mommy! Thankyou thankyou thankyou!" Hinalikan niya ako sa noo. Yan ang turo ni Isaac sa kanya. Kung gusto mo daw ipakita ang respeto sa babaeng mahal mo sa noo mo siya halikan.
"No baby. I'm sorry. Sorry dahil hindi kita ipinakilala o ipinakita man lang sa daddy mo."
"It's okay mommy. This is the best birthday gift ever. I love you mommy." Niyakap ko ng mahigpit si Kobe. God, I'm so thankful na binigyan niyo ako ng anghel. Thank you so much.
"I love you too baby." Tumikhim si Isaac na nakapaghiwalay samin.
"So pano ba ya? Aalis na ako. Happy Birthday Kobe!" Nagbrofist sila bago bumaling si Isaac sakin.
"Thanks Uncle."
Niyakap ako ni Isaac. Naramdaman ko nalang na tinulak ni Kobe ng bahagya si Isaac. Pinaghiwalay niya kami.
"Ooops! You can leave the house without hugging my mom, Uncle Isaac." Tinaas ni Isaac ang mga kamay na nagsasabing 'surrender'.
Hinatid namin siya sa Main Door. Kumaway kami hanggang nakalayo na ang kaniyang sasakyan. Sa tabi lang ng subdivision namin ang sa kanila.
Maya maya pa ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa.
From: Isaac Grande
Ang possessive talaga ni Kobe. Kung hindi ko lang talaga mahal ang batang iyon! Anyways, Good Night missy. Dream of me. :)
Kung hindi ko siguro nameet si Ynigo ay sigurado akong si Isaac ang mahal ko ngayon. He all has the traits that a girls wants. He deserves someone better. Better than me.