Chapter 18 - HP

9.4K 222 0
                                    

"Oh. Nandito na pala si Ms. Corpuz pwede na tayong magsimula."

What? So she is Ms. Corpuz? Bakit hindi ko alam na isa rin pala siya sa stock holders ng ZGOC?

Taas noo siyang naglakad papunta sa direksyon ko. Ang buong akala ko ay pupuntahan niya ako ngunit nilagpasan niya ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumapit siya kay Ynigo at hinalikan siya sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Hindi na siya nahiya! Hinahalikan niya mismo si Ynigo sa harap naming lahat, sa harap ko! Gumalaw pa ang kanyang labi.

Ano ba talaga! Sabi ni Ynigo na gusto niya ako ngunit kitang kita ng dalawang mga mata ko na hinahalikan siya ng ipokritang babae nato'!

Si Ynigo mismo ang nagpahiwalay sa kanya. Hinawakan niya ang babae sa magkabilang braso at nilayo ang katawan nila.

Fck! Kumirot ang puso ko sa nakita ko. Iba ang pakiramdam na kitang kita mismo ng dalawang mga mata mo na hinahalikan ang mahal mo. Iba ang pakiramdam na may tao rin na nagmamahal sa mahal mo. Napalunok ako at pilit na pinipigilan ang nagbabadyang luha. Binuka ko ang aking bibig at huminga ng malalim.

"Ciara...." tawag niya. Namutla siya at napatingin sakin. Now what?

Bumaling siya sa board at nginitian niya ang mga ito. Mukhang hindi niya napapansin ang presensya ko.

"Oh! I'm sorry. I just miss him!" Nagpacute pa siya. Pag ikot ng mga mata niya ay nanlaki ang mga ito dahil nahagip ako ng kanyang tingin.

Tinuro niya ako gamit ang kanyang hintuturo, nakataas kilay at nakanganga. Mukhang may sasabihin siya na hindi niya magawang sabihin.

"You...."

Gulat ka? Na ang babaeng tinawag mo na pokpok ay nandito sa harap mo! Guess she sill don't know me

Huminga ako ng malalim at pilit nilakasan ang loob ko. Kailangan niya ako makita bilang isang matapang na babae! Hinding hindi ako magpapatalo sayo!

Humalukipkip ako at taas kilay siyang tinignan. Fake it until you make it, monique!

"Yes it's me! Xandra Monique Clavel, CEO of La Pilipina Clavel Corporation."

Kumunot ang kanyang noo sa narinig.

"What?" Gulat niyang tanong. Napalinga linga siya. Tinignan niya si Ynigo pabalik sa board, naghihintay ng explanation.

"Yes Ms. Corpuz siya ang bagong stock holder sa ZGOC. She bought Mr. Lee and Mr. Lao's shares." Ani Mr. Te

"Siya ang pangalawa sa may pinakamalaking shares sa ZGOC." Ani ng isang babaeng medyo may katandaan.

"Oh my God! Oh my God!" Napahawak siya sa bibig niya habang sinasabi iyon. Kahit makapal ang make up niya ay kitang kita ko parin ang pamumutla niya.

"Wag mo akong ma oh my God oh my God. Alam kong na aalala mo pa ang tinawag mo sakin noon Ms. Late Comer!" Sabi ko na ine emphasize ang Ms. Late Comer. Eh late siya eh!

"Don't call me by that! May pangalan ako! H-Hindi ko alam ang mga sinasabi mo." Iling iling niya.

Natahimik ang board na para bang hinihintay ang isasagot ko. Napatingin ako kay Ynigo na nakasmirk, mukhang na eenjoy sa pagbabangayan namin ng babaeng to! Well guess what, hindi ako magpapatalo sa ipokritang ito!

"Oh no no. Don't play around Ms. Late Comer! Tinawag mo akong prostitute at pay girl ng isang mayamang business tycoon." Napasinghap ang ibang board members ang iba ay nabubulong bulongan pa. Napatingin ako kay Ynigo na naka igting nq ng panga habang seryosong nakatingin sa mesa.

Hindi ko na siya hinayaang magsalita.

"Well guess what, ang babaeng tinawag mong prostitute is right in front of you! The CEO of La Filipina Clavel Corporation and the second highest stock holder here in ZGOC. How about you Ms. Late Comer?" Sinadya kong iba ibahin ang tono ng boses ko. Mula sa matapang ay napunta sa nananadya. Para naman mainis siya.

His PropertyWhere stories live. Discover now