Chapter 50 - HP

7.6K 179 16
                                    

Nabigla ako ng umilaw ang kotse sa kabilang kalsada. Kumunot ang noo ko ng narealize kong sasakyan iyon ni Ynigo. Biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para sumabog ang mahaba kong buhok sa mukha ko. Sinakop ko iyon at tinignan ang sasakyan para masigurado kong sasakyan iyon ni Ynigo. Tinuwid niya ang kalsada at hininto ang sasakyan sa harap ko.

"Get in." Aniya habang dahan dahang bumaba ang salamin ng kotse. Nabigla ako ng nakita ko ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha.

Walang pasubali akong pumasok. Nang nakaupo na ako ng maayos ay hindi ko maiwasang mapa buntong hininga dahil sa naramdamang ginhawa. Mainit sa loob ng kotse ni Ynigo kumpara sa temperatura sa labas.

"Sino ang naghatid sayo at saan kayo galing? I'm sure that's not the asshole's car." Mariin niyang sabi. I was amazed of how he looked. Hindi ko lubos maisip na ganito siya ka gwapo kapag galit siya. Naka igting ang kanyang panga at nakatingin sa akin ang kanyang mga matang puno ng emosyon.

Ilang segundo ko pa napagtanto na si Isaac ang ibig niyang sabihin. Galit pa kaya siya sakin? Alam kong masakit na ma basted pero binalaan ko naman siya at alam naman niyang si Ynigo lang.

"Monique answer me! Who's car was that?" Mabilis ang paghinga niya at pakiramdam ko manununtok siya any minute from now.

"K-Kay Zues, remember him? Yung--" bago ko pa matapos ang sinasabi ay pinutol niya ako.

"Oh yeah? The one with the fucking school boy who's hitting on you? So tell me kasama ba yung lalaking iyon? What did you fucking do? Where did you came from?" Dire diretso niyang sabi. Hindi agad ako nakapag salita.

"Nagkita kami sa bar kanin----"

"Bar? What the fucking hell, Monique? Bakit ka pumunta sa bar? Are you out of your mind? Did you drink?" Galit niyang saad. Nabigla ako ng humilig siya sakin at inabot ang labi ko ngunit umiwas ako.

Anong ginagawa niya?

"What the hell are you doing, Ynigo?" Tinulak ko siya at sumandal sa pinto. He looked frustrated. Ginulo niya ang buhok at mariin akong tinignan.

"Fuck! Monique you're pregnant with my children! Bakit ka pumunta ng bar? You could've atleast told me!" Napapikit ako ng hinampas niya ang manibela.

"Hindi ako tanga para uminom, okay? Wala lang akong mapuntahan kaya ako napadpad doon! At mabuti na nga lang at nakita ko si Zues!"

Kunot noo siyang napa tingin sakin. He looked confused and frustrated at the same time. Habang ako ay nagtataka at nagagalit. Nagtataka kung bakit ganito siya umasta. Bakit ganito siya kagalit. At galit dahil hindi ko siya maintindihan. Ang gulo niya!

"Anong walang mapuntahan? You could atleast stay here or tell me to fetch you! Para sabay tayong naglunch at hindi mo makasama ang lalaking iyon! Good! I thought you did something to remove the smell of alcohol!" Aniya

What? Naisip niyang may ginawa kami para maalis ang amoy ng alcohol? So kaya niya ako gustong halikan kanina para malaman kung uminom ako? What the hell.

"Actually pumunta nga ako kanina sa office mo para yayain ka maglunch eh pero kasama mo na pala ang kabit mo! You're out of your mind! Wala kaming ginagawang masama! Bakit sino ba satin ang nakabuntis? Ha?" Sarkastiko kong sabi.

Naalala ko na naman ang imahe nila na sweet na sweet sa isa't isa kanina. Ugh! Naisip kong pa ngiti ngiti si Ciara ngayon.

"What? Bakit hindi mo sinabi sakin na pinuntahan mo ko?" Gulat niyang tanong.

Gulat ka ano? Paano kasi busy ka sa kabit mo!

"Hindi mo ako napansin dahil busy ka sa kabit mo." Sarkastiko kong sabi at tumingin sa labas ng bintana.

His PropertyWhere stories live. Discover now