Chapter 32 - HP

8K 175 1
                                    

I'm thankful dahil nagkabati na kami ni Isaac. Hindi ko man maibalik sakanya ang pagmamahal na kaya niyang ibigay, pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sakanya at alam kong kuntento na siya don.

Pinilit kong matulog sa gabing iyon. Pa palit palit ako ng posisyon para makahanap ako ng komportableng lugar para makatulog ako ngunit sumapit ang hating gabi at hindi parin ako makatulog.

Naglalaro sa isip ko ang posibilidad na baka buntis ako. Hindi ko pa na tetest dahil natatakot ako. Palagi naman akong natatakot eh, si Kobe lang talaga ang nagbibigay lakas sa akin. I'm such a scaredy cat. Ang duwag duwag ko!

Pumikit ako ng mariiin bago bumangon. Hinalungkat ko ang bag na ginamit ko kanina at pinaglagyan ko ng PT. Alam kong hindi ako makakatulog kung hindi ko ito susubukan.

Dala dala ko ang Pregnancy Test habang papasok ako ng cr. At dahil alam ko na kung pano ito gamitin, ay ginawa ko na ang dapat gawin. Hinintay ko ang resulta. Oh my God. This is it! Pikit mata akong suminghap at dahan dahang nilayo ang hinlalaki kong nakatabon sa resulta.

2 lines. Positive! God I'm pregnant! What am I gonna do with this little angel inside my womb? Oh God!

Hindi ko namalayang napaluha ako. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Monique! Your'e pregnant! Magkakaroon na ng kapatid si Kobe. How am I gonna explain this to my baby? Hindi niya alam na may kinakasama ako noon tapos ngayon sasabihin ko sakanya na magkakaroon siya ng kapatid? Ano yun milagro? My son's smart at kahit bata pa siya ay alam kong naiintindihan niya na ang tungkol dito. Pinunasan ko ang tumutulong luha galing sa mga mata ko.

Half of me was happy. Of course sino ba naman ang hindi magiging masaya kung nalaman niyang may dinadala siyang anak sa matres niya? Except nalang kung hindi ito tanggap ng mga tao sa paligid niya. Half of me was also sad because I don't want to make another mistake. But I have no choice but to hide the angel inside me from his father. God! I'm the worst mother ever!

Please forgive me for whatever I'll do. I know they'll understand in the right time. And that will be soon.

Kailangan kong bumisita sa doktor. Maybe pag nagkaroon ako ng tamang oras para bumisita sa ospital. At sa panahong iyon ay dapat alam na ni Kobe. Binigyan ko ng palugit ang aking sarili na hindi ako pupunta o magkokonsulta sa doktor kung hindi alam ni Kobe.

Kailangan kong malaman kung ilang weeks na akong buntis para malaman ko kung kailan ako titigil sa pagtatrabaho nang sa gayon ay hindi nila mahalata na lumalaki ang tiyan ko.

Umupo ako sa kama. Pinoproseso pa sa utak ko lahat ng nangyayari ngayon at kung paano at kung anong gagawin ko. Pasalampak akong humiga sa kama, iniisip lahat lahat ng nangyayari. Mula sa pag iwan ni Ynigo sa akin, hanggang sa nalaman kong buntis ako. Sa lalim ng iniisip ko ay nakatulog ako.

Pagdating ng umaga ay hinatid ko si Kobe sa eskwelahan at ako naman ay dumiretso sa opisina. Nahuli ako sa traffic kaya 9 na ako nakarating sa ZGOC building. Pagdating ko sa office ko ay napa buntong hininga ako sa dami ng papeles na naghihintay na mapirmahan sa mesa. Ngunit nagtaka ako ng may nakita akong espresso at donut sa mesa.

"Goodmorning ma'am! Dumaan kasi ako sa coffee shop at naisipan ko pong bilhan kayo dahil baka mastress po kayo sa dami ng pending works." Hindi ko namalayang pumasok si Maria sa office ko.

She's so thoughtful. And that's what I want about her. Hindi mo siya kailangang pagsabihan. She has her own initiative.

"Thanks Maria." Ngiti ko

Lumapit ako sa table ko at nilapag ko ang bag ko doon. Hinubad ko ang blazer ko at sinabit sa likod ng swivel chair ko. Tinabi ko ang donut ngunit ang espresso ay ininom ko na.

His PropertyWhere stories live. Discover now