Kahit pagod ako ay nilabanan ko ang nararamadamang pagod nang sa gayon ay hindi ako makatulog. Nang narinig ko ang kanyang mabibigat na hininga ay alam kong mahimbing na ang tulog niya. Dahang dahan kong inalis ang kamay niyang nasa tiyan ko at ang mabigat niyang binti na nakadantay sa akin. Dahang dahang ang aking paggalaw para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Pinulot ko ang damit kong nakakalat sa sahig at sinuot iyon.
Ayaw kong biguin ang anak ko. Sinabihan ko siya kanina na pupuntahan ko siya at ngayong oras, habang tulog si Ynigo, lang ang pagkakataon ko upang mapuntahan siya.
Ngunit nagulat ako nang biglang nagring ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin kay Ynigo na bahagyang nagising. Gumalaw siya at nag iba ng posisyon. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang tumatawag don.
"Hello?"
"Mommy it's late. Where are you?"
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ngunit hindi ko tuluyang sinarado ang pinto upang hindi ako makagawa ng ingay
"Umm paalis na ako dito baby. Anong room kayo, pupunta ako diyan."
Narinig ko sa background na tinanong niya si Rose kung nasa anong room sila.
"Room 330 mom. Please take care."
"Yes baby, I will. I love you."
"I love you mom." Aniya at naputol na ang linya
Umupo ako sa sofa at sinuot ang sapatos ko. Pagkatapos ay lumabas na ako ng room at dumiretso na kung saan ang anak ko
Umakyat ako sa kasunod na floor mula sa room namin ni Ynigo. Nang nasa harap na ako ng room 330 ay inayos ko ang nagusot kong damit at ang nakalugay kong buhok. Huminga muna ako ng malalim bago nagbuzzer. Ilang segundo ang nakalipas ay bumukas ito. Tumambad sa akin ang naaantok na mukha ni Rose habang kinukusot ang kaliwang mata niya. Nanlaki ang mga mata niya ng nakita ako.
"Ah! Goodevening ate! Si Kobe po nasa kwarto." Aniya habang naglalakad ako papasok sa kwarto
Nakita kong nakasandal siya sa headboard habang nag a'assemble ng mga bahagi ng RC Helicopter niya
"Mom!" Masigla niyang sabi nang nakita ako
Nilapitan ko ang anak ko at hinalikan sa noo. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"Baby it's late. Sana hindi mo nalang hinintay si mommy."
"Hindi pa po kasi ako makatulog kanina. Mom where will you sleep?"
"Dito baby. Gusto mo tabi tayo? Hm?" Tanong ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang aking mga daliri. Nakahiga na siya at mukhang matutulog na
"Of course I want mom."
"Sige. Mauna ka nang matulog baby. Goodnight." Hinalikan ko siya sa noo
"Goodnight." Aniya at unti unting pumikit
Nang nakatulog na siya ay lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Nagulat ako ng nakita ko si Isaac doon. Naka upo siya sa high chair sa kitchen counter. Nakatungo siya at may hawak na baso na may lamang liquor. Nakalapag rin sa harap niya ang isang mamahaling inumin.
Napansin niya siguro ang presensya ko kaya napatingin siya sa gawi ko. Kumunot ang noo niya at umupo ng maayos
"Isaac! I thought..... you already went home."
"Hinintay kita. Where have you been? Bakit ngayon ka lang?"
Alam kong nagpapaka isang mabuting kaibigan lang si Isaac kaya siya nagiging ganito. Parang kuya na rin ang turing ko sakanya kaya natural lang maging possessive siya sakin.
"Umm ano sa trabaho lang." Iniwasan ko ang mga titig niya dahil ayaw kong sahihin sakanya na magkasama kami ni Ynigo dahil panigurado ay sesermonan nanaman niya ako
Kumuha ako ng tubig mula sa ref at nagsalin ako sa baso
"Trabaho? With Ynigo?"
"Kasama ko siya sa trabaho kaya malamang magkakasama kami. Bakit ba Isaac?"
"Anong 'bakit ba' monique? Iniwan mo sina Kobe at Rose kanina sa airport para sumama sa lalaking iyon!"
"Pwede ba! Don't start with me! Mali ang pagkakaintindi mo!"
"Anong mali monique? Sige nga ipa intindi mo sakin! Kasi sa tuwing nagkakasama kayo ng lalaking iyon napapabayaan mo ang anak mo! What if I was not there? Sinong maghahatid sa kanila?" Tumaas ang boses niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. Lumapit siya sa akin
Ang ibig niya bang sabihin na nagiging pabayang ina na ako? Ginagawa ko naman ang lahat para mabalanase ang atensyon ko kay Ynigo at sa anak ko! Nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Parang sinabi niya na rin na walang kwentang ina ako
Naramdaman kong nagiinit ang mga sulok ng mga mata ko.
"Bakit Isaac? Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko ah! I love Ynigo and I also love my son!"
Tinignan niya ako na parang bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Bakas sa mukha niya ang galit
"What? Mahal mo pa si Ynigo? Monique tandaan mo! Iniwan ka ng lalaking iyon! Pinagpalit ka sa ibang ba----"Bago pa niya matapos ang sasabihin ay lumagpak na ang kamay ko sa mukha niya
Kailangan niya ba talagang ipamukha sa akin na hindi lang ako ang minahal ni Ynigo? Oo alam kong pinagpalit niya ako pero may magagawa ba ako kung siya ang mahal ko? Tanga na kung tanga pero siya lang talaga ang hinahanap ko!
Ilang segundong nanatili ang ulo niya bago siya bumaling sa akin. Nakita ko ang pulang outline ng pagkakasampal ko sa mukha niya
Hindi ko napigilan ang sarili sa pagsampal sa kanya. Alam kong kaibigan ko siya ngunit wala siyang karapatan na diktahan ako sa aking ginagawa
Humikbi ako. Bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa sinabi
"Oo alam kong tanga ako! Pero hindi mo kailangan ipamukha sa akin na pinagpalit ako! Of all people Isaac! Ikaw pa!"
"I'm sorry monique. I didn't mean---" lumapit siya sa akin at akmang yayakapin niya ako nang tinabig ko ang mga kamay niya
"Sorry? Wala na. Pinaramdam mo sakin na walang kwentang ina ako!"
"I'm sorry monique. Gusto ko lang ipaalala sayo na iniwan ka ng lalaking iyon!" Sigaw niya
"Stop!"
"Oh c'mon monique! He doesn't deserve any of your attention. Hindi siya karapat dapat para maging ama ni Kobe!"
"But you can't take the fact na siya ang ama ni Kobe! Isaac, leave."
"What monique? Hahayaan mo nalang na magkamal--"
"Isaac! Leave! Please..... just... leave." Nahihirapan kong bulong. Tama na. Can I take a break? Masakit aminin lahat ng sinasabi ni Isaac. Mahirap tanggapin at iproseso sa utak
"Monique...."
"Please Isaac?" Tinignan ko siya na puno ng pagmamakaawa
Yumuko siya bago tumango.
"Hush down. I'm really really sorry monique." Aniya bago tinahak ang daan palabas ng room
