"Mom matagal pa ba yan?" narinig kong sigaw ni kobe mula sa movie room na hinihintay ako.
Nandito ako sa kusina. Hinihintay kong maluto ang binake kong chocolate chip cookies at ang popcorn sa microwave. Napagpasyahan naming manuod ng movie kaya eto naghahanap ako ng makakain dahil nagugutom ako.
"Yes baby. Sandali nalang to!" Sigaw ko pabalik. Pagkatapos ng sagutan namin ni Ynigo at pagsundo ko kay Kobe sa clinic ay umuwi kami. Nagpahinga kami sa hapon na iyon at ngayong 10 pm na ay napagpasyahan naming manuod ng movie.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Ynigo. Totoo kaya ang mga sinabi niya kanina? Ayaw kong maniwala dahil baka isa naman ito sa mga pakulo niya at baka bumigay naman ako, sa huli ako lang rin ang kawawa. Kitang kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya ngunit dahilan ba ito pata iwan rin niya ako? Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi ko siya basta bastang iniwan noon o kahit may communication lang kami.
Hindi lahat ng bagay puso ang ginagamit. May rason kung bakit nasa taas ang utak dahil sa lahat ng oras na gumawa tayo ng desisyon gamit ang puso natin, dapat ay pinag isipan ng mabuti, dapat gamitin ang utak. Para hindi tayo magmukhang tanga.
Napabalik ako sa katinuan ko ng tumunog ang microwave na ibig sabihin ay luto na ang popcorn. Yaay! Kinuha ko ang pot holder at binuksan ang microwave. Hmm it smells good! Kumulo ang tiyan ko sa bango. Dali dali ko itong binuksan at binuhos ang laman sa malaking bowl. Parang bata akong tumakbo papunta sa ref at kinuha ang hot sauce. Naglagay ako sa maliit na bowl ng hot sauce at sinubukang idip ang maalat na popcorn!
Oh my gosh! It's perfect fit! Ang alat ng popcorn ay bagay sa maanghang na sauce. Hmm I wonder kung magugustohan ko parin ba ang lasa nito pag hindi na ako buntis.
Kinuha ko rin ang binake kong cookies at nilagay sa pinggan bago ako bumalik sa movie room. Naabutan ko siyang nakasalampak sa couch, may hawak na lays na hindi pa nasusubo at ang cellphone ko sa isang kamay niya. Parang nagtataka siyang nakatingin dito.
"What's the problem?" tanong ko at nilapag ang mga pagkain sa mesa
"Someone called. Ynigo daw." Kibit balikat niya. Nanlaki ang mga mata ko. My heart skipped a beat when I heard his name.
Bakit siya tumawag sa ganitong oras? Anong kailangan niya? Anong sinabi niya kay Kobe?
"What? Anong sinabi niya sayo? Nagpakilala ka baby?"
"He was whispering your name again and again, he sounds like he's drunk. Yeap and no, hindi ko sinabing anak mo ako instead I told him I'm Kobe tapos nabigla ako ng binaba niya." casual niyang sabi.
What did he just say? Ynigo's drunk? Bakit naman siya maglalasing. I hope he's okay. Hindi ko mapigilan ang sarili sa pagaalala sakanya. Paano kung nasa bar siya? Bawal siyang magdrive dahil baka kung anong mangyari sakanya! Damn. Pero ayaw ko siyang puntahan dahil galit ako. He used me at hindi biro iyon.
Nagtatalo ang dalawang bahagi ng utak ko kung tatawagan ko siya o hindi pero sa huli ay napagpasyahan kong wag siyang tawagan at matulog nalang.
Kinabukasan ay nagising ako dahil naramdaman kong naduduwal ako. Hindi pa ako tuluyang nagising ay tumakbo na ako papunta sa cr. Naghimalos ako at nakapaang naglakad pabalik sa higaan. Uminom ako ng tubig na nakapatong sa bedside table at humiga ulit. Gusto ko pang matulog. Pakiramdam ko may ginawa akong trabaho habang natutulog ako dahil pagod pa ako. Halos tanghali na rin ako nagising kaya hindi pwedeng matulog ako ulit.
Sobrang late na ako sa trabaho kaya kailangan ko nang bumangon at humabol sa gawain sa office, kahit tinatamad ako. Dali dali akong nagbihis, naligo at nagpahatid sa office. Hindi na ako nakakain ng agahan at tanghalian kaya napagpasyahan kong sa office nalang kumain. Baby sandali lang ha, sa office nalang tayo kakain dahil nagmamadali ako, di bale marami ang kakainin natin kaya stay put ka lang muna dyan.