Epilogue

15.8K 305 72
                                    

I woke up alone. Kinapa ko ang higaan ngunit hindi ko naramdaman ang katawan ng girlfriend ko. Baka nasa banyo siya o di kaya ay nagluluto siya. Alam kong hindi niya ako iiwan ngayon dahil hindi ko siya binibigyan ng permisong umalis. I love her and I trust her. Hindi man ako ang may ari ng buhay niya para magdesisyon sa kanya, pinangako namin sa isa't isa na pag uusapan namin lahat ng problema at desisyon na gagawin namin.

Alam kong ngayon dapat ang flight niya papuntang States para samahan si tito. Ang totoo ayaw ko siyang payagan kasi alam kong kaya niyang mabuhay kahit wala ako sa tabi niya. Kaya niyang makahanap ng matinong lalaki habang wala ako. Hindi katulad ko, alam kong hindi kompleto ang araw ko kung hindi ko makita ang ngiti at marinig ang tawa ni Monique. Mahina ako pero pagdating sakanya ay lumalakas ako. Hindi ko kayang maghanap ng ibang babae dahil alam ko sa sarili ko na siya ang una at huling babae na mamahalin ko.

Yes, I was a normal teenager. I always go clubbing, I drink alcohols, I make out a lot and I enjoy pleasuring girls dahil sa pangangailangan ng katawan ko, normal na ginagawa ng mga binata sa edad ko. That was before I met Monique. She's that sweet, innocent yet dangerous girl who changed my life. Alam ko sa sarili kong hindi ako naniniwala sa love pero siya ang nagbago ng lahat ng pananaw ko sa buhay.

Nasusuka ako sa tuwing nakikita ko ang mga kaibigan ko na nakikipaglampungan sa mga girlfriend nila. I told my self that I will never be someone's slave. I will never be under someone.

"I can't wait for Cupid to fucking hit you!" Tawa ng isang kaibigan ko. Umiling ako, natatawa na rin.

After I met Monique narealize kong tama nga sila. Ang noong ayaw mong maging sunod sunuran ay biglang naglaho. Ang tangi kong gusto ay sundin at ibigay lahat ng makakaya ko sakanya. Hell I almost wanted to ask for her hand. Hindi na bale kung corny ako sa paningin ng iba dahil isa lang ang mahalaga sa akin. At iyon ang paningin ko kay Monique.

Ginawa ko lahat ng makakaya ko para bumigay siya. Sinuyo ko siya ng halos isa't kalahating taon. Pinuno ako ng kantyaw ng mga kaibigan ko dahil sabi nila, kinain ko ang mga salitang sinabi ko noon, alam kong tama sila. Hindi ko inaasahang aabot ako sa puntong sa sobrang pagmamahal ko sa isang tao ay gusto ko na siyang itali sa pangalan ko. But then I can't do it. I'll be too selfish if I will ask for her hand while we're still in high school. Hindi ko kayang makita siyang may kinakausap na ibang lalaki pero hindi ko rin kayang kunin sa kanya ang kinabukasan na dapat ay sakanya. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang dapat kong gawin.

She was the best thing that happened in my life. Best unexpected blessing that I ever had. Ang saya ko nang sinigaw ko sa buong mundo na sa wakas akin na siya. After all the wait I can finally say that she's my girlfriend. Ewan pero ito na yata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko, kahit girlfriend ko pa lang siya at hindi ko pa hinihingi ang kamay niya. She's worth the wait.

Naalala ko pa kung paano niya binigay ang sarili niya sa akin kagabi. Best night I ever had. To see her in her best and worst. Parang isa siyang anghel na nahulog sa lupa. Mabait, inosente, maganda. I guess I am the luckiest man alive.

Kaya ngayon kahit 4th year high school pa lang kami ay desidido na akong hingin ang kamay niya. May pinaghahawakan na ako at iyon ang nangyari sa amin kagabi. I need assurance. Kahit high school pa lang kami ay kailangan ko ng assurance na ako lang ang lalaking para sakanya. I can wait for 5 more years basta suot niya ang singsing na ibibigay ko.

Ngiti ngiti pa ako habang naglalakad palabas ng kwarto ko. Hinanap ko sa kusina si Monique ngunit kumunot ang noo ko ng hindi ko siya nakita. Chineck ko sa ngunit wala rin akong nakita. Umusbong ang kaba sa dibdib ko. Alam kong hindi niya ako iiwan nang hindi pa namin naaayos ang desisyon.

"Monique! Baby!" Sigaw ko ngunit walang sumagot.

Napaupo ako sa sahig nang napagtanto kong iniwan niya ako. Ano yun binigay niya ang virginity niya sa akin bilang pamamaalam? Tinawagan ko lahat nga mga kaibigan niya ngunit hindi nila alam kung nasaan ang girlfriend ko. Huli kong tinawagan ang bahay nila at doon ko nalamang lumuwas na sila kaninang madaling araw papuntang States.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His PropertyWhere stories live. Discover now