Chapter 62 - HP

8.2K 113 21
                                    

Hindi umimik si Ynigo. Tanging hikbi at mabibigat niyang paghinga ang naririnig ko. Nakaigting ang kanyang panga at nakatingin siya sa akin na parang hindi na niniwala kahit kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit.

"T-That's not true." Mahinang bulong niya na halos hindi ko marinig.

Ang sakit makita na ang tinitingalang lalaki ko noon ay umiiyak sa harap ko ngayon. Naalala ko pa noon nung namatay ang pinakamamahal niyang lolo ay umiyak siya ngunit panandalian lang iyon. Hindi siya umiyak gaya ng ngayon, na wala na siyang pake kung mukha na siyang desperado pero ipaglalaban niya ang gusto niya. I hate my self for having that so much effect on him. At dahil sa akin ay ngayon ko lang siya nakikitang ganito.

Kung pwede ko lang hingin sa panginoon na sana hindi nangyayari ang mga nangyayari ngayon ay ginawa ko na. Ngunit kahit anong dasal ko na sana ma wala na ako sa posisyon ko ngayon ay nagigising parin ako at humaharap sa napakaraming problema. Pero naisip ko, gagawin ko ang lahat para makaahon. Hindi ko alam kung bakit nagsusuicide ang mga tao. All I know is nasasaktan sila, pero bakit nila mas sasaktan ang sarili nila sa pagitan ng pagsusuicide kung sobrang sakit na? Are they that depressed?

"Please Ynigo don't make this hard for the two of us. M-Masasaktan ka lang. May.... mahal na akong iba, please understand."

"No, Monique. Hindi ako naniniwala! Sabi mo ako lang diba! You love me! We have kids! Hindi mo ako pwedeng iwan!" Desperado niyang sabi.

Ilang ulit akong kumurap upang mawala ang makapal na luha na tumatabon sa mga mata ko at makita ang kanyang mukha sa huling pagkakataon.

"Then I can't wake to give birth to them." Matapang kong sabi kahit alam ng utak, puso, sistema at katawan ko na taliwas doon ang gusto ko.

As much as possible gusto kong nasakin lang ang kambal. I want to feel them. I want to feel their kick. I want to keep them inside me.

Natatakot ako dahil akala ko magagalit siya. Akala ko pipilitin niya ako pero nagkakamali ako. Tumungo siya. Nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak siya sa sahig. Lumuhod siya at tumingala sa akin. I hate my self for making him suffer.

"P-Pinagsisihan mo ba ang mga nangyari sa atin? Was that involuntary? Napilitan ka lang ba? Pinagsisihan mo ba na nabuntis ka ulit?" Pumiyok ang boses niya.

How can he say that! Alam niya kung gaano ko ka gusto ang mga nangyari sa amin. Hindi ako napilitan. I love him at kailanman hindi ako magsisisi. Kahit ilang anak pa ang gusto niya basta siya ang kasama ko.

Pero damn! I need to lie para bitawan na niya ako. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung kakayanin pa ng boses ko. Tumango na lamang ako.

Nabigla ako ng hinawakan niya ang binti ko ng mahigpit. Nararamdaman ko ang unti unting  namamasang binti ko dahil naka micro shorts lang ako. Hirap na hirap ako sa pagdungaw sa kanya at pagtulak sakanya.

"Ynigo! Bitawan mo ako!!" Nilayo ko ang mukha niya sa binti ko ngunit panay na lamang ang iling niya.

"No no no no baby. Hindi ako mabubuhay kung wala kayo. Please wag mo akong iwan. I will change, I promise! Don't leave me....... please." Humikbi siya.

"Hindi ko ilalayo sayo ang mga anak mo! Just...... just set me free! Can't you understand that I'm already inlove with someone?! W-Wala ka nang puwang sa puso ko kaya please! Please lang hayaan mo na ako!" Sigaw ko.

But the truth is lalayo na kami. I'm gonna bring Kobe and we will migrate for good.

Kinuha ko mula sa palasingsingan ko ang binigay niyang singsing. Ang singsing na maraming nakaraan. Naaalala ko pa kung paano niya uto binigay sa akin. Maluha luha ako noon at ang saya saya ko dahil sa wakas ay magpapakasal na kami, siya na ang makakasama ko habang buhay but now........

His PropertyWhere stories live. Discover now